Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
SINO itong mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) na sumalakay sa isang warehouse sa Russel St., lungsod ng Pasay na nagsisilbing bodega ng mga Intsik na may mga puwesto sa Baclaran.
Para maareglo ang mga Tsekwa ay P15 milyon ang umano’y hinihingi ng mga nagpapakilalang taga-BoC. Nagkaroon ng tawaran hanggang sa P7 milyong lamang ang naibigay.
Ang siste, tinanggap ng mga taga-BoC ang P7 milyon pero hinakot pa rin ang mga laman ng bodega.
Ang grupong ito ng BoC ang itinurong responsable sa pagsalakay sa bodega na pag-aari ng mga Bangladeshi at hinihingan umano ng P75 milyon.
Pero nagmatigas ang mga Bangladeshi na hindi magbigay. Kaya ngayon ay may isang daan ng trak na pabalik-balik at hinahakot ang kahon-kahong damit at t-shirts na sinabing imitations na iba’t ibang brand.
Kung nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang COA, dapat din imbestigahan ang BoC dahil higit na corrupt ang mga tauhan nito!
Matagal ng modus ito ng BoC, at tila bingi si Pangulong Duterte sa mga kaganapang gaya nito.
SIPAG AT TIYAGA
PUHUNAN
NI EMI CALIXTO
SERBISYO na kaakibat ang sipag at tiyaga, kaya binansagang ang “babaeng walang pahinga” si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, wala pang pumuputok sa lungsod ng Pasay kung sino ang may lakas ng loob na makatutunggali niya sa susunod na eleksiyon.
Kung mayroon man, natitiyak ko na kakain ng alikabok, o kaya ay gagawa lang ng pera sa pamamagitan ng paghingi ng tulong pinansiyal sa mga negosyanteng kakilala.
Apela ko sa mga lalaban na walang kalaban-laban sayang ang pagod at pera, suportahan at makiisa na lang kayo.