Sunday , April 27 2025
knife saksak

Kelot kritikal sa palo sa ulo at saksak ng 2 menor de edad

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ang isang 19-anyos lalaki nang patraidor na pinalo ng matigas na bagay sa ulo at saksakin sa likurang bahagi ng katawan ng dalawang menor de edad sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Patuloy na inoobserbahan sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang  biktimang kinilalang si Ericson Atamosa, residente sa Tahong Alley, Brgy. 20, Caloocan City, matapos isailalim sa mga pagsusuri sanhi ng mga mga sugat sa likod, ulo, at balikat.

Nagsasagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ni Malabon City chief of police Col. Albert Barot laban sa dalawang menor de edad na suspek, ang isa ay kinilala sa alyas Adeng, 16 anyos at residente sa Brgy. Longos, Malabon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, dakong 11:00 pm, naglalakad pauwi ang biktima, kasabay ng dalawa pang kaibigan, nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang dalawang kabataang suspek pagsapit sa tapat ng Longos Public Market.

Biglang hinataw sa ulo at balikat ng isa sa suspek si Atamosa, habang bumunot ng patalim ang isa pa at inundayan ng saksak sa likod bago mabilis na tumakas nang duguang humandusay ang biktima.

Inaalam ng pulisya kung ano ang motibo ng patraidor na pagsalakay ng dalawang menor de edad na suspek sa biktima.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *