Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruffa Gutierrez, Lorin Bektas, Venice Bektas
Ruffa Gutierrez, Lorin Bektas, Venice Bektas

Ruffa emosyonal, Lorin sa US mag-aaral

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

SA Beverly Hills in California, USA nag-i-stay ngayon ang dating beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez.

Sinamahan din kasi nito ang anak na si Lorin sa pag-e-enrol sa isang unibersidad doon.

Kaya naman sa pagsalang nito bilang isa sa mga ChooseGados sa  ReINA ng Tahanan kasama nina Lady Amy Perez at Lady Janice de Belen sa It’s Showtime, hindi nito napigilan ang maging emosyonal dahil matagal-tagal na mawawalay ang anak sa kanya.

Kahit wala sa bansa, enjoy si Ruffa sa paghahatid ng saya sa madlang pipol.

Samantalang nasa Amerika, nagkaroon pa rin ng bagong endorsement si Ruffa. Pumirma ito ng kontrata sa ISkin Med Spa na endorser din ang doon na nakabaseng premyadong aktres at isa sa may pinaka-magandang mukha sa balat ng showbiz na si Hilda Koronel, na nag-renew ng  kontrata with ISkin Med Spa.

Kabilang sa mga kumukonsulta na sa ISkin Med Spa nina Richard at Imee Ong Maghanoy sina Raymond Gutierrez, Jobelle Salvador, Garth Garcia, ang partner ni Hilda na si Ralph Moore, at KC Concepcion.

Matatagpuan ang ISkin Med Spa sa 8665 Wilshire Boulevard Penthouse sa Beveely Hills, California. Pwede silang matawagan ng inyong mga pamilya, kaibigan, at kamag-anak sa 424-382-1002 para sa sikreto ng celebrity na si JLo sa EmSculpt. Ito ay high-intensity electromagnetic technology to help build, tone and sculpt muscle! 

Sa Pilipinas, endorser naman siya ni Cathy Valencia.

Hawak ni Ruffa ang magkabilang-dulo ng mundo.

Kapag walang wi-fi sa tinutuluyan niya, madali siyang makapangapit-bahay to get her connected with the Madlang Pipol at mga ReINA.

At hindi rin siya malayong-malayo sa anak na si Lorin.

Ibang nanay na ang unica hija ni Anabelle Rama!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …