Ruffa Gutierrez, Eddie Gutierrez

Eddie ligtas na sa prostate cancer

I-FLEX
ni Jun Nardo

LIGTAS na sa prostate cancer ang veteran actor na si Eddie Gutierrez! Ito ang ibinalita ng anak niyang si Ruffa Gutierrez sa kanyang Twitter account.

Nabagabag ang damdamin ni Ruffa nang sumailalim sa operasyon ang ama. Paalis siya papuntang States nang operahan ang tatay.

Isiniwalat niya ang magandang balita matapos ang operasyon.

β€œThis much I can share: Dad had an operation and it was a success. He has been cleared of prostate cancer. Thank you, Lord!” tweet ni Ruffa.