Thursday , December 19 2024

PisoPay may atraso sa BIR? (2 taon walang remittances?)

HATAW News Team

ANIM na kaso ng Returns Compliance System ang iniulat na nadiskubreng kinakaharap ng PisoPay sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang PisoPay ay isa mga service provider na kinokontrata ng mga banko at korporasyon upang makapag-online transaction ang kanilang mga kostumer para sa remittances at fund transfer.

Dahil dito, naging kuwestiyonable umano ang kanilang pananaw bilang “one of the most trusted fintech companies in the Philippines.”

Batay sa mga dokumento, hindi umano nakapag-file ng Income Tax Return (ITR) ang PisoPay sa mga taong 2018 at 2019.

Bukod dito, hindi rin umano naibigay ang kanilang Monthly Remittance Return on Income Taxes Withheld on Compensation (BIR Form No. 1601-C) para sa mga buwan ng Abril 2019 at mula Marso hanggang Mayo ng 2020.

Ayon sa isang opisyal ng BIR na tumangging magpabanggit ng pangalan, “Posibleng ang nasabing kompanya ay kabilang din sa mga naapektohan ng pandemya, ngunit hindi ito puwedeng maging dahilan para hindi mag-file ng ITR sa loob ng dalawang taon dahil ito ay kanilang obligasyon.”   

Dahil dito, nababahala ang ilang negosyo na may transaksiyon sa PisoPay bilang isang financial services company.

Ayon sa isang branch manager ng isang kilalang malaking banko sa bansa, “Kailangang maging responsable ang PisoPay dahil obligasyon nila ang magsumite ng remittance sa BIR sapagkat direktang apektado nito ang kanilang kredibilidad bilang isang kompanya. Sinubukang hingan ng reaksiyon ang PisoPay sa isyu sa telepno bilang (02)8.2428153 na may tanggapan sa Makati, batay sa kanilang website na https://pisopay.com.ph/aboutUs.php subalit nabigo ang mga miyembro ng media.

About hataw tabloid

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *