HATAWAN
ni Ed de Leon
LUMANTAD na ang mga bakla sa pangunguna ng director na si Andoy Ranay gayundin ang isang baguhang artista na si Adrian Lindayag at IC Mendoza na napahayag ng katuwaan sa pagkatalo ni Manny Pacquiao, dahil sa sinasabi nilang laban daw iyon sa mga gay. May ilan ding gay movie writers na nagsulat ng “Lotlot, Jolo, Lucita” at kung ano-ano pang ang ibig sabihin ay talo sa “gay lingo.”
Naging vocal kasi si Pacquiao laban sa kanilang isinusulong na Sogie bill at sa kampanya nilang payagan ang same sex marriage sa Pilipinas, na hinarang din naman ng Korte Suprema.
Simula kasi noong mag-born again si Pacman, naging vocal na siya sa mga bagay na ganyan.