Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginang nagbigti (Dahil sa depresyon)

 “BANTAYAN mo ang mga kapatid at daddy mo anak, huwag mo silang pababayaan.”

Ito ang huling salita na sinabi ng 37-anyos ginang sa kanyang anak na babae bago natagpuan ng kanyang live-in partner na nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Malabon Police Sub-Station 7 commander P/Maj. Patrick Alvarado, dakong 2:00 am nang huling nakitang buhay si Cindy Rontos ng kanyang live-in partner na si Renato Casibang, 48 anyos, matapos uminom ng alak sa loob ng kanilang bahay sa Esguera St., Brgy. Flores.

Dakong 4:30 am, nagising si Renato at laking gulat makita ang kanyang live-in partner na nakabigti gamit ang isang lubid na nakapulupot sa kanyang leeg habang ang kabilang dulo ay nakatali sa beam ng kisame ng kanilang bahay.

Kaagad pinutol ni Renato ang lubid at mabilis na isinugod ang biktima sa Ospital ng Malabon (OsMal), kasama ang kanyang pamangkin ngunit hind na ito umabot nang buhay.

Sa pahayag ng anak na babae ng biktima na si Cyrene Rontos kay P/CMSgt. Gerardo Bautista, dumaranas umano ng depresyon ang kanyang ina dala ng patuloy na pagsumpong ng hika.

Nag-execute ng isang waiver ang pamilya ng biktima na hindi na sila interesado sa imbestigasyon ng pulisya dahil naniniwala sila na walang naganap na foul play sa insidente. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …