BULABUGIN
ni Jerry Yap
DALAWANG puganteng Koreano ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Immigration (BI) at Philippine National Police (PNP) sa Brgy. Sitio Balabag sa isla ng Boracay.
Si Kwon Yong Tong, 59 anyos, residente sa nasabing lugar ay dinakip sa bisa ng Arrest Warrant No. 2012-7359 na ibinaba ng Seoul Bukbu District Court sa kanilang bansa sa Korea.
Sinasabing may kasong ‘fraud’ o pandaraya ang nasabing Koreano na tumangay ng malaking halaga sa kanilang lugar.
Matapos madakip si Kwon, kasunod namang ikinasa ang isa pang operasyon laban sa isa pang pugante na si Lim Seung Il, 40 anyos, nadakip sa isang resort sa nasabing isla.
Kasong ‘Mob Assault’ naman ang kinakaharap ng naturang Koreano na may batay sa Arrest Warrant No. 2015-5121 na ibinaba ng Uijeongbu District Court sa kanilang bansa.
Ayon sa ulat, kabi-kabilang negosyo ang pinagkakaabalahan ng dalawang pugante habang sila ay pansamantalang nanirahan sa Boracay.
By the way, hindi ba na-monitor ng Boracay ACO ang dalawang puganteng Koreano?
Pansamantalang naka-detain sa PNP Custodial Unit sa Malay, Aklan ang dalawangn pugante habang hinihintay ang paglilipat sa kanila sa BI Warden’s Facility Unit sa Bicutan, Taguig City.
Dito na rin hihintayin matapos ang deportation proceedings laban sa kanila bago i-deport pabalik sa Korea.
Good job, BI FSU and PNP Malay, Aklan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com