Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
NABABALIW na yata ang mga taga-OCTA na nagsabi na mas masaya ang Pasko ngayong 2021.
Paano magiging masaya, hindi nga makausad ang ating ekonomiya. Maraming nawalan ng trabaho, daming utang ng bawat Filipino, mga negosyante nagsara ang mga negosyo. Walang pinakamasuwerte kundi mga empleyado ng gobyerno na kahit skeletal ang pasok sa trabaho, tuluy-tuloy ang suweldo.
Harinawa magdilang anghel ang OCTA sa pagtatapos ng taong 2021 ay the end na ang pandemic! Pero ang sasabihin na masaya ang Pasko, IMPOSIBLE!
***
Kamakailan, ang pampublikong ospital na Pasay City General Hospital ay napuno ng CoVid patients, kaya napilitang uwag na muna tumanggap ng pasyente. Dumami ang nagka-CoVid dahil sa mga pasaway!
Kamakailan din ay nag-anunsiyo sa social media ang DOH na ‘yung mga nagpabakuna na ng may ilang buwan na ang nakalilipas kung mayroon pang nararamdaman sa kanilang kalusugan na kakaiba. Marami ang nangamba kung itong inianunsiyo nila ay senyales ba ng testing ng bakuna?
Mayroon kasing nagsabi na in two years time, maraming mamamatay! Ang tanong, ‘yung nagpabakuna ba o ‘yung hindi ang mamamatay?
Mamamatay ba ang mabubuti at maiiwan ang masasama? Pabor ako kung ang mamamatay ay ‘yung mga corrupt o magnanakaw sa gobyerno, simula kapitan ng barangay, mga konsehal, alkalde, kongresman, senador at mga gabinete, at maging ang pinakamataas na pinuno o lider ng bansa.
Sa rami ng proyekto at impraestruktura na itinayo at ginawa, dahilan din kung bakit nagkasikip-sikip ang daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila ay patuloy ang paglobo ng yaman ng mga nangangasiwa.
Talagang wala nang pag-asa ang ating bansa. Isa ang ating bansa na pinaka-corrupt! At isa rin ang bansang Filipinas na pinakamaraming mahirap!
***
Sa buwan ng Setyembre ay ika-18 anibersaryo ng PEOPLES LIDER. Maraming salamat sa lahat ng tumatangkilik. Bagama’’t bagsak po ang ating ekonomiya, patuloy pa rin ang pahayagang ito sa pagbibigay ng mga balita.