Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Booster shot ng Covid-19 vaccine iturok sa medical frontliners at immuno-compromised individuals

BULABUGIN
ni Jerry Yap

HETO na, sumulat na si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa IATF kasama ang  kanyang mga kaalyadong kongresista  sa BTS o Back To Service na maturukan ng booster shots ng bakuna laban sa CoVid-19 ang medical frontliners ng ating bansa pati na ang mga nasa delikadong kalagayan dahil sila ay immuno-compromised.

Sa kanilang sulat sa IATF, sinabi ni Cayetano maging nina congressmen LRay Villafuerte, Ranie Abu, Dan Fernandez, Jonathan Sy Alvarado, Mike Defensor, at Lani Cayetano, alam nilang kulang na kulang ang mga bakunanag dumarating sa bansa at kailangan rin mabakunahan ang iba nating mga kababayan ngunit importante at hindi dapat ipagwalang bahala ang kaligtasan ng mga medical frontliners na humaharap sa mga CoVid-19 patients pati na rin ang mga immune-compromised.

Tama itong direksiyon na tinatahak ng grupo ni Cayetano dahil maraming bansa sa buong mundo ang nagsimula nang magturok ng booster shots sa kanilang medical frontliners at pati sa matatandang edad 60 anyos pataas. Ang ibang bansa naman ay nagbabalak na rin gawin ito upang matiyak ang mas siguradong kaligtasan ng kanilang mga mamamayan.

Nag-umpisa nang magturok ng booster shots ang Indonesia, Thailand, at Israel. Susunod na rin ang US, United Kingdom, France, Germany, China, Russia, Turkey, United Arab Emirates, Bahrain, at Singapore.

Kailangan maturukan ng booster shots ang ating medical frontliners dahil tagilid lagi ang kanilang buhay sa pag-aasikaso ng mga may CoVid-19 maging ng mga pasyenteng may ibang malubhang sakit.

Aba, kung hindi ito maaabatan, posibleng bumagsak at mawarak ang ating health system lalo ngayong kabi-kabila ang reklamo ng mga nurse at iba pang medical frontliners dahil hindi nakatatanggap ng kanilang risk allowance at iba pang benepisyo na nakapaloob sa Bayanihan 1. ‘Di ba nga, balak ng mga nurse na magprotesta at may balita na apat sa sampung mga nurse sa mga pribadong ospital ay nag- resign na dahil sa peligro ng kanilang trabaho.

Sa ngayon, 11.7 percent pa lamang ng mahigit 110 milyong Filipino ang fully vaccinated samantala 14.8 percent ang nakatanggap ng 1st dose.

Sa Metro Manila halos tapos na ang pagbabakuna sa San Juan, Marikina, Mandaluyong at Pateros. Pagkatapos nito, handa na rin silang tumanggap ng vaccines mula sa iba’t ibang lugar at kalapit na mga lalawigan.

P45 bilyon ang nakalaan sa 2022 national budget para sa pagbili ng karagdagang bakuna para sa booster shots ngunit gagamitin lang daw ito kapag nabakunahan na ang mayorya ng ating mga kababayan.

Alam naman natin na hihina ang efficacy ng bakuna laban sa CoVid-19 batay sa mga pag-aaral pagkatapos ng anim na buwan. Kung inyong matatandaan, buwan ng Marso ngayong 2021 nag-umpisa ang pagbakuna sa medical frontliners kaya kailangan na nila ng booster shots para muling lumakas ang kanilang panlaban sa pandemyang CoVid-19.

Kaya naman IATF, esep-esep na rin ngayon pa lamang. Bigyan naman natin ng pagpapahalaga ang ating medical frontliners lalo ngayong umaarya sa bansa ang Delta variant at pagpasok na rin ng panibagong Lambda Variant mula sa Peru.

Nararamdamaman na rin ito ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo.

TANOD DESMAYADO
SA PASAY GENERAL
HOSPITAL NANG MAGHATID
NG MANGANGANAK

ISA po aqng tanod ng Brgy. 178. May inihatid po aqng emergency, isang buntis manganganak. Pagdating po nmin sa ospital ng Pasay Gen, deretso aq sa EMERGENCY.

Kinausap ko ‘yung guard, sabi ko emergency manganganak at sabi ko labas na ‘yung bata. Ang sagot sa akin ng guard, hindi na raw cla tumatanggap ng pasyente. Sumagot aq, sabi ko uli emergency baka lumabas na ‘yung bata… sumagot uli ‘yung guard. Sabi niya doon ko raw dalhin sa lobby ng ospital, dahil puno n raw ang ospital dhil sa CoVid.

Agad ko nmn dinala sa lobby ang pasyente, nagtanong uli aq sa guard. Sabi ko uli sir may pasyente aq manganganak na, nagtuturuam clang mga guwardiya. Sabi ng isang guard doon ko raw dapat dinala sa emergency…habang kinakausap ko ‘yung guard. Tinawag aq ng asawa ng pasyente, paglapit ko nkita ko n lumabas n ‘yung baby… agad aqng nataranta..ndi ko alam ang gagawin ko. Sabi ng isng babae ilipat ko raw ‘yung patrol sa emergency… habang nandoon n kmi sa emergency wala khit isang doctor n lumalabas. Halos kalahating oras n kmi nagaantay pero wala prin lumabas n doctor para asikasuhin yng pasyente… pagkalipas ng kalahating oras may lumabas n doctor huminto sya, sbi niya bawal daw po ang video sa ospital… sumagot po aq, sabi ko knina pa kc ngayon lng Kyo lumabas… tapos bigla uli sya umalis at iniwanan ‘yung pasyente… at nagsalita pa siya n cge tuloy nlng video mo… cguro ayaw nya mkita sa video qng ano ginagawa niyang kapalpakan sa ospital….buti na lng at mayroon nagmagandang loob para tulungan kami…

Sana nmn maging aral ito sa lahat ng ospital. Paano nlng qng may nangyari sa bata at dun sa nanay ng bata… sagutin ba nila ‘yun?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *