ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
May bagong single ang actor/singer/songwriter na si Lance Raymundo. Ito’y pinamagatang Chotto Matte Kudasai, released ng Madhouse Music label, ang words and music ay kay Lance, at ang nag-arrange ay ang brother niyang si Rannie Raymundo.
Bakit Japanese ang title at tungkol saan ang kanyang kanta?
Esplika ni Lance, “It means wait a moment… I wrote the song over the weekend that I was in Boracay. Tungkol ito sa feeling na parang nahanap mo na talaga yung tao na feeling mo ‘the one’ na talaga. Pero you also think that it’s better to “Wait a Moment” and just enjoy each other’s company muna before plunging into something deeper.
“Kaya yung pinaka-chorus is ‘Chotto Matte Kudasai… gotta get over this high. Coz just one touch and you be driving me crazy…’ Kasi ‘di ba ‘pag nasa peak ng ligawan at super excited ka, minsan hindi logical ang decisions mo and you base everything on emotion.”
Dagdag pa niya, “It’s a dance song and it’s in English. ‘Yun ang unang pumasok na line sa isip ko (Japanese title), ako kasi I never sit down and plan songs. Usually, I’m just doing my own thing then may kanta na biglang mag-play sa utak ko. I think, kasi in Boracay… may nakilala akong isang Japanese girl. So, one morning while I was walking on my own sa shore, iyon ang lumabas sa creative mind ko.”
Paano niya ide-describe ang girl na nakilala niya sa Boracay? “Beach girl, fun and free spirited… and as a song writer, anything and everything that I encounter in life usually inspires a new song.
“Also, nagka-super typhoon na parang delubyo sa Boracay that time, so pati iyon ay nasama sa lyrics. I used it to describe the level of passion between two people in love, sabi ko –‘Love and ecstasy hitting typhoon level intensity…’
“Chotto Matte Kudasai video is now on YouTube, it will be released on Spotify under Madhouse label on August 23. After lockdown, we plan on a bigger music video. But for now, this will do,” wika pa ni Lance.
Incidentally, bukod sa bagong single, si Lance ay may bago ring pelikula. Ito’y pinamagatang Caught in the Act ng MPJ Production. Mula sa papamahala ni Direk Perry Escaño, kasama ni Lance rito sina Joaquin Domagoso, Andi Abaya, Karel Marquez, Shido Roxas, Toni Co, Jhassy Busran, Bamboo B., Josh Lichtenberg, Ej Panganiban, John Gabriel, at iba pa.