.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
BILIB si Teresita Tolentino Pambuan sa bumubuo ng pelikulang Minsa’y Isang Alitaptap. Si Ms. Pambuan ang producer ng naturang pelikula at kabilang din sa casts nito na pinangungunahan nina Teresa Loyzaga, Ron Macapagal, Diego Loyzaga, at Ms. Gina Pareño.
Ito’yunder ng movie company na TTP ni Ms. Pambuan, in cooperation with ROMMantic Entertainment Productions. Pinamahalaan ni Direk Romm Burlat, Ipalalabas ang pelikula sa October via Ticket2me.
Aniya, “Masaya ako at kasama ang mga paborito kong artista na si Teresa Loyzaga at veteran actress na si Gina Pareno. Thankful ako at very approachable at supportive sila at madaling makapalagayang loob. By nature kasi ay mahiyain ako talaga, unless matagal na nakakausap ko ang tao ay doon lang ako feeling comfortable. But with Ms. Teresa at Ms. Gina, madali silang makapalagayang loob. They make it easy for me. Everybody likes them, sobrang helpful ang kind.”
Saad pa ni Ms. Pambuan, “Si direk Romm ay professional naman when dealing with everyone and working. Mahusay siyang direktor. He follows the phase of creating a film, from pre-production, until matapos ang film. Magaling siyang pumili ng isasama niyang staff na bubuo ng film from artista, scriptwriters, assistant directors, down to extras, make up artists, etcetera.
“Division of labor among staff na bumuo ng pelikulang MIA, aligned with the story brought to life… Magaling din sa execution para sa ikagaganda ng pelikula. In addition, mahusay din siyang aktor, superb talaga! Proven ito as shown by his many accomplishments and awards.”
Isa rin siyang businesswoman, paano niya nahahati ang kanyang oras?Lahad ni Ms. Pambuan, “As a businesswoman, wala naman akong nakikitang magiging problem if pagsasabayin ko ang aking business at pagsabak sa showbiz. I love both what I am doing, because I am happy surrounded by people I like, who are supporting me always. Mayroong trusted people sa Bang Bang Bangus-Cubao to run the business for me. Sa showbiz naman, umaandar din ako na mayroong suporta from people na bubuo ng team or crew, like sa mga taong in one way or another, did their best para mapabuti ang pelikula namin.”