Rated R
ni Rommel Gonzales
MAGBABAGO ang tingin ni Jessa sa akala niya ay perpektong pamilya nang malamang may ibang babae ang kanilang ama at nang paulit-ulit siyang gahasain nito. Nang magsumbong siya sa kanyang ina ay hindi siya pinakinggan. Gusto niyang magsumbong sa mga awtoridad pero pinagbantaan siya ng kanyang ama na papatayin silang mag-iina.
Kaya naglayas na lang siya na hindi alintana na gagawin din ng ama ang kahayupang ginawa sa kanya sa iba pa niyang mga kapatid na babae. Maliligtas pa ba niya ang dalawang kapatid? Hanggang kailan magbubulag-bulagan ang kanilang ina? Paano na nga ba matutuldukan ang kademonyohan ng akala nila ay mabait nilang ama?
Sa Sabado, Agosto 14, tunghayan sa Magpakailanman ang Isinakdal Ko Ang Aking Ama. Itinatampok dito sina Ashley Ortega, Therese Malvar, Althea Ablan, Nina Ricci Alagao, at Michael Flores. Idinirehe itoni Jorron Lee Monroy, pananaliksik ni Karen Lustica, at panulat ni Benson Logronio.