Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mike Tan Victoria Tan Priscilla Tan
Mike Tan Victoria Tan Priscilla Tan

Mike dumedma sa mga kaibigan para sa mga anak at asawa

Rated R
ni Rommel Gonzales

DALAWA na ang mga anak ni Mike Tan, sina Victoria o Tori, 2, at Priscilla o Prisci, 1. Sino si Mike Tan as a father?

“Very caring, laging iniisip ‘yung mga anak niya.

“Medyo ang hirap sagutin ng tanong mo, ha? kasi hindi ko siya iniisip bilang tatay eh. Ang sa akin lang ay mabigyan ko sila lagi ng oras, hindi ako… kung mayroon akong kayang i-sacrifice na ibang bagay, isa-sacrifice ko ‘yun para sa kanila, para sa oras na makipaglaro sa kanila, mailakad sila, lumabas kasama sila, makipagtawanan sa kanila, isasakripisyo ko ‘yun.

“Lalo na kung nakikita ko na hindi naman makatutulong sa akin bilang tatay, ibibigay ko na lang din sa kanila.”

Mas maingat si Mike dahil pandemic at todo-ingat siya para sa kanyang two girls.

“Yeah! Marami ngang nagyayaya sa aking lumabas, sabi ko, ‘Pasensiya na hindi talaga ako makakasama.’

“Ang hirap i-risk kahit sabihing naka-mask ako, naka-face shield ako, mayroon pa ring porsiyento na puwedeng madala ko ‘yung virus papasok ng bahay, eh. 

“Minsan nga… to be honest, minsan hindi ako makatulog sa gabi kasi naiisip ko paano kung magkasakit ‘yung anak ko, paano kung ganito ‘yung mangyari sa kanila, ganito ‘yung mangyari sa asawa ko.

“Nagigising talaga ako sa gabi, and hindi ko alam kung nag-o-overthink ako pero alam mo ‘yun, pagpikit ng mata mo ganoon ‘yung naiisip mo, magigising ka na lang tapos hindi ka na makakatulog. Mahirap.”

Umeere na ngayon sa GMA Afternoon Prime ang Nagbabagang Luha na gumaganap si Mike bilang si Bien.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …