TINANONG namin si Rayver Cruz, kapag bumalik na sa normal ang lahat at natapos na ang pandemya ng COVID-19, pabor ba siya na ituloy ang lock-in/bubble taping? O gusto niyang ibalik sa dati ang proseso ng trabaho?
“Well, part of me, to be honest, nami-miss ko rin ‘yung dati, kasi siyempre nakaka-miss din naman ‘yung dati na after mong magtrabaho uuwi ka, hihiga ka sa sarili mong kama and makikita mo ‘yung mga tao sa bahay, makaka-chill ka ng kaunti sa bahay mo bago matulog, tapos the next day ‘yung taping.
“Pero para sa akin din kasi kung ito ‘yung kailangan para lang mas safe ‘yung lahat and mapabilis tayong makabalik sa normal, go rin ako sa ganitong sitwasyon, kasi may perks din, eh.
“For me parang mas nagiging pamilya mo talaga ‘yung kasama mo rito eh, mas nagiging close kayo, mas nagiging smooth sailing ang lahat, kasi paggising mo nandiyan na siya, ‘pag rest bday mo nakakausap mo siya, nakakapag-bond kayo.
“Like kami ni Claire, kasi hindi rin naman biro ‘yung mga eksena namin ni Claire, malaking bagay for me na nakakausap ko siya, lagi ko siyang nakikita everyday, so mas naging madali for me.
“Iba rin ‘yung naging perks ng nagkasama kayo sa bubble eh, iba ‘yung camaraderie na nafo-form, sa lahat ng group, hindi lang sa mga artista.”
Sa Nagbabagang Luha ay gumaganap si Rayver bilang si Alex, si Glaiza de Castro bilang si Maita, si Mike Tan bilang si Bien, si Claire Castro bilang si Cielo, at sina Gina Alajar bilang Calida, Allan Paule bilang Paeng, Myrtle Sarrosa bilang Judy, Royce Cabrera bilang Sherwin, Archi Adamos bilang Levi, Karenina Haniel bilang Monina, Bryan Benedict, at Ralph Noriega.
(ROMMEL GONZALES)