Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ellen Adarna
Ellen Adarna

Ellen magdedemanda sa maling RT-PCR test

HATAWAN
ni Ed de Leon


LALO yatang lumaki ang gulo dahil ngayon balak magdemanda ni Ellen Adarna dahil daw sa maling RT-PCR test na ginawa sa kanya at sa kanyang yaya habang nasa lock-in taping sila ng inalisan niyang show. “false positive” raw ang resulta ng test sa kanya na talagang mali naman.

Balak din daw niyang idemanda ang mga may kinalaman sa produksiyon dahil maraming hindi naipatutupad na safety protocols sa set lalo na’t tapos na ang eksena.

Palagay nga namin, iyan ang balik ni Ellen sa sinasabi ng iba na wala siyang pakisama, at sa mga nasabi ng komedyanteng si Long Mejia, kahit na nga humingi na iyon ng dispensa matapos na amining hindi niya alam ang puno’t dulo ng mga pangyayari. Kaya sigurado mayroon nga sa production staff na nag-feed din ng mali kay Long.

Karapatan naman ni Ellen na magsampa ng demanda matapos ang lahat ng hindi magandang nasabi sa kanya na galing mismo sa produksiyon ng kanilang sitcom, pero ano ang magiging balik niyon kay Ellen?

Kung totoo ngang hindi magtatagal at magpapakasal na si Ellen kay Derek Ramsey, maaaring tumigil na rin siya sa pag-aartista, ibig sabihin wala nang magiging epekto pa sa kanya ang gagawin niya. Kung siya naman ay mananatiling artista, mas mabuti siguro magsawalang kibo na lang siya, tutal naman umamin na ang mga taong nagkamali sila.

Kung idedemanda niya ang produksiyon, maaari siyang pangilagan ng ibang production company kasunod niyon, at maaaring gawin nila iyon dahil sa totoo lang hindi naman masasabing star si Ellen na siyang babatak ng audience talaga. Puwede siya talagang palitan.

Iyan namang mga ganyang problema sa showbusiness, talagang nangyayari iyan. Nagkakaroon talaga ng friction kadalasan dahil sa pressure ng trabaho sa set, lalo na ngayon na may pandemya at naka-lock-in sila sa taping, gayunman hindi mo rin maiaalis ang pagka-inip, at pagka-inis na rin. Natural na rin naman iyong marami ang umiinit ang ulo.

Sana magkabigayan na lang, after all sila naman ang magkakasama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …