Friday , May 9 2025
DANIEL FERNANDO Bulacan

Proyektong ‘swine repopulation’ ipatutupad sa Bulacan

MATAPOS ang dalawang taong pamemeste ng African Swine Fever (ASF) na naging sanhi ng pagkamatay ng mga baboy mula noong 2019 hanggang 2020, nakakakita na ng pag-asa ang may 7,000 nag-aalalaga ng baboy sa lalawigan ng Bulacan sa paglulunsad ng pama­halaang panlalawigan ng Swine Repopulation Project.

Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando, nag­simula na ang Panla­lawigang Tanggapan ng Paghahayupan ng pag­susuri sa kapaligiran at sampol ng tubig nitong Hunyo upang makita kung may ASF virus pa sa mga farm.

“Guided by the Bantay ASF sa Barangay or BABay ASF program, we need to control the spread of the disease and push for the rehabilitation of our local hog industry. Layunin nito na makatulong sa mga pig farmers na makabalik sa pag-aalaga ng baboy ng ligtas at magkaroon ng responsible repopulation para makaiwas muli sa outbreak,” ani Fernando.

Ayon sa datos ng PVO, 17 mga bayan kabilang ang Balagtas, Baliwag, Bula­kan, Calumpit, Angat, Bocaue, Bustos, Guiguinto, Hagonoy, Pandi, Paombong, Plaridel, Pulilan, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael, at lungsod ng Malolos ang lubhang naapektohan kung saan 120,268 baboy mula sa 40 commercial hog farms at 87,743 baboy mula sa backyard farms ang pinatay.

“Noon nasa 100,000 na baboy kada buwan ang nabebenta natin, ngayon nasa more or less 10,000 na lang. Dati rin 50 porsiyento ng panga­ngailangan ng karne sa Metro Manila tayo ang nagdadala kaya nakita n’yo hindi talaga maka­pagbaba ng presyo ng baboy kasi hindi pa talaga tayo makapag-produce,” dagdag ni Fernando.

Samantala, sinabi ni Dr. Voltaire Basinang, panla­lawigang beterinaryo, maaari nang mag-alaga muli ng baboy ang mga benepisaryo ng programang sentinel bilang ayuda ng pamahalaan kung magnenegatibo sa ASF virus sa dalawang magkasunod na pagsusuri sa loob ng dalawang linggo na may isang linggong pagitan at pumasa sa biosecurity audit ang isang farm.

Bukod dito, patuloy din silang nagsasagawa ng seminar/forum at pama­mahagi ng impormasyon, habang tuloy-tuloy din ang paglilinis at pagdidisinfect ng mga nagbababuyan.

Upang maging kalipi­ka­­do naman sa programang pautang, inirerekomenda ng tanggapan ng pag­haha­yupan sa mga magbababoy na nasa loob ng red zone na hindi apektado ng ASF mula nang magkaroon ng outbreak, na sundin ang mga alituntuinin at magsagawa ng pagkuha ng sample ng dugo at swab sa mga natitirang baboy na kailangang gawin ng may pagitan ng dalawang linggo at pagsusuri sa paligid at tubig na kailangang gawin ng may pagitan ng isang linggo, at pagpasa sa biosecurity level 2 bilang pagtalima sa BABay ASF.

Gayundin, ilulunsad ang adopt-a-barangay project, na kolaborasyon mula sa iba’t ibang pribadong grupo at mga beterinaryo sa pangunguna ng Philippine Veterinary Drug Association (PVDA) at PVO kaugnay ng BABay ASF na layong pumili ng tatlong barangay sa bayan ng Sta. Maria mula sa pula hanggang rosas na zone sa pamamagitan ng pagpa­paunlad ng biosecurity sa mga kulungan ng baboy, pagtuturo sa mga mag­bababoy sa pamamagitan ng mga pagsasanay at pakikilahok at pakiki­pagtulungan ng mga stakeholder, maliit man o malaking babuyan.

Ayon sa World Organization for Animal Health (OIE), lubhang nakahahawa ang African Swine Fever (ASF) sa domestic at wild pigs na dulot ng “malaking DNA virus ng Asfarviridae family.”

Sa kasalukuyan, wala pa ring bakuna laban sa ASF. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

arrest, posas, fingerprints

Dayuhan nagpanggap na cosmetic surgeon nasakote sa QC

ARESTADO ang isang Vietnamese national na nagpanggap bilang cosmetic surgeon at nagpapatakbo ng isang aesthetic …

Dead Road Accident

Sa Iloilo
JEEP TUMAOB 9 SUGATAN

SUGATAN ang siyam katao nang tumaob ang isang pampasaherong jeep sa bayan ng Leon, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *