BULABUGIN
ni Jerry Yap
MUKHANG nagbubunga ang mga pagsisikap ni dating Speaker Alan Peter Cayetano dahil maging sa vice presidency ay humahataw na rin ang kanyang pangalan sa latest na isinagawang survey ng OCTA Research mula noong 12-18 Hulyo 2021, lumalabas na pumapangatlo ang pangalan ni Cayetano sa listahan ng vice presidential wannabes.
Kung tutuusin, statistically tie sila ngayon ni Mayor Isko Moreno. Hindi na ito nakapagtataka kung tutuusin dahil tuloy-tuloy ang ginagawang effort ni Cayetano upang mapagsilbihan ang taongbayan lalong lalo ang ating mga kababayan na nangangailangn ng ayuda ngayong panahon ng pandemya.
Tuloy-tuloy ang pamimigay ni Cayetano ng “Sampung Libong Pag-asa” o “Sampung Libong Ayuda” sa mga biktima ng CoVid-19 para makatulong sa kanilang pag-ahon sa buhay. Inilunsad din niya ang sari-sari store community kung saan binibigyan ng P3,500 tulong ang maliliit na tindahan na iginupo ng CoVid-19.
Abala rin si Cayetano sa pagpaplano ng five-year development plan para sa pagbangon nang tuluyan ng ating bansa mula sa CoVid-19. Umaasa si Cayetano na makikipagtulungan ang iba pang mga kandidato para maipatupad ito. Sa ngayon ay hindi na lang puro plano ang kailangan kundi kung paano ito maipatutupad ang ara sa kapakanan ng ating bayan.
HAPPY BIRTHDAY CONGRESSMAN KID
Ang sabi nga, “You cannot put the good man down!” Kahit batuhin man siya ng mga maling balita at kung ano-anong intriga mananatili siyang nakatayo at lumalaban. Ganyan katatag ang nag -iisang Romulo Valderama Peña. Hindi basta-basta siyang natatalo o napayuyuko bagkus patuloy na naglilingkod at lumalaban para sa minamahal niyang kababayan.
Likas na kay Congressman Romulo ang tumulong sa kapwa. Natutuhan niyang magkawanggawa sa pamamgitan ng kinalakihan niyang pamilya. Kumbaga kasing bilis ng Kidlat ang ginagawa niyang pagtulong sa mahihirap. Kaya naman tinagurian siyang “Kidlat ng Makati.”
Maraming pinagdaanang posisyon si Rep. Kid bago siya naging congressman ng Distrito Uno ng Makati. Naging SK Chairman siya, kapitan ng Barangay Valenzuela, presidente ng Liga Ng Mga Barangay sa Makati, naging konsehal, Makati city vice mayor, Makati city mayor hanggang maging congressman sa kasalukuyan.
Since day one ng kanyang panunungkulan walang hinto siyang nagbibigay ng serbisyo. Kasama ng kanyang Kid Riders, personal niyang pinupuntahan ang mga taong kanyang tinutulungan. Hanggang dumating ang CoVid-19 pandemic mas lalo pa siyang naging abala sa pagbibigay ng ayuda. Sabi nga ng maraming mmakati residents: “Totoong kahanga-hanga si Romulo “Kid” Peña!”
Happy-happy birthday Congressman Kid!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com