ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
TAMPOK si Alma Concepcion sa isang advocacy film na pinamagatang Meantime Nanays. Kasama niya rito sina Liz Alindogan, Ate Gay, Keana Reeves, Faye Tangonan at introducing sa pelikula sina Aaron dela Cruz at Mark Peregrino.
Written and directed by Crisaldo Pablo, ito ay hatid ng RDH Entertainment Network, The Lovelife Project, at Yaeha Channel.
Nagkuwento ang aktres ukol sa kanilang pelikula.
Aniya, “Ang role ko sa movie na ito is a doctor during pandemic time with trauma of losing a child… ako ay assigned in the children’s ward.”
Serious ba ang role d’yan ni Ate Gay?
Wika ni Ms. Alma, “Yes, serious role niya at may drama. Naka-two days shoot na sila, ako one day. I think i have another half day ng shoot.”
Hindi ba siya nag-aalalang mag-shooting dahil tumataas ang cases ng CoVid-19 ngayon? “Nagsu-swab kami before shoot,” matipid na sagot ng aktres.
Ano ang reaction niya na kahit panahon ng pandemic, hindi siya nawawalan ng projects?
Pahayag ni Ms. Alma, “Lahat ng klase ng blessings, sobra naming naa-appreciate sa family. Iyon ang kagandahan na itinuro ng pandemya na ito, naging mapagpasalamat tayo sa Kanya sa lahat-lahat ng bagay, lalong-lalo sa maliliit na bagay ngayon na para sa amin ay malaki.
“Ang mismong paghinga at paggising natin ay selebrasyon na. Lahat ng higit pa sa paggising sa bawat umaga ay bonus na matatawag.”
Bukod sa pagiging aktres at interior designer, ang isa pang pinagkakaabalahan ni Ms. Alma ay ang pagma-manage ng kanyang lumalagong Beautéderm store na matatagpuan sa No. 59 Xavierville Ave., Colonial Residences.