Thursday , December 11 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parañaque City LGU kahanga-hanga

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

HINDI pa man iniaanunsiyo ang lockdown simula 6 Agosto hanggang 20 Agosto, nauna nang sinimulan ng Parañaque local gov’t ang lockdown sa Palanyag sakop ng Brgy. San Dionisio, dahil ng laganap na pagkalat ng CoVid-19.

Isang linggong lockdown na magtatapos sa 6 Agosto, ngunit biglang idineklara ang dalawang linggong ECQ sa NCR, kaya tatlong linggo ang suma total na lockdown sa Palanyag.

Pero hindi nagpabaya ang administrasyon ni Mayor Edwin Olivarez dahil kada pamilya ay binigyan ng tig-isang kaban ng bigas at bag of groceries!

Ang lugar ng Palanyag ay isa sa napakaraming tao, siksikan ang mga residente na kung tawagin ay ‘Pulo ng walang Diyos,’ na dati-rati ay naroroon ang ilang masasamang elementong naninirahan.

Tanda ko pa noong ako ay bata pa, magugulat ka na lamang nagtatakbuhan ang mga tao dahil may nag-aamok, hawak ang isang gulok!

Sadyang maraming adik sa ilegal na droga. Ngunit unti-unti itong nawala dahil na rin sa nakalipas na mga administrasyon ay naging sentro ito ng pagbabantay ng pulisya at patuloy pa rin hanggang sa administrasyong Edwin Olivarez.

LABAG SA HUMAN RIGHTS

Heto na naman si Pangulong Rodrigo Duterte na muling nagyabang nang sabihin na ‘yung walang bakuna ay bitbitin pabalik sa kanilang bahay! Isang salita na walang iniwan sa mga siga! Ano ‘yun, maleta o bayong ang tao na bibitbitin?

May kanya-kanyang dahilan ang mga taong ayaw magpabakuna. Siguro mas mainam kung sa checkpoint pa lang ‘wag papasukin sa pupuntahan dahil walang bakuna. Pero kung gusto naman siguro, dapat may mga nakaabang na vaccinator na ang gustong magpa-vaccine ay puwede kung isa sa pamantayan ay dapat may bakuna na.

Problema kasi, libre ang bakuna, kompara sa RT-PCR at antigen swab test na may bayad, wala nga namang kita.

Hindi lahat ng may bakuna, ‘yung iba ay sa dahilang may iskedyul pa o kaya nauubusan sa haba ng pila. ‘Yung iba naman talaga ay ayaw! Isentro dapat sa talagang ayaw magpabakuna na huwag palabasin ng bahay o gumala-gala pero huwag bitbitin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …