Saturday , November 16 2024

Iniwan ng misis, driver nagbigti (Problema sa pera at pamilya)

WINAKASAN ng isang 42-anyos driver ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa depresyon dala ng problema sa pera at pag-alis ng asawang nag-abroad, sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Nonito Fonelas, stay-in sa Bendel Construction Supply, matatagpuan sa Don Basillio Bautista Boulevard, Brgy. Dampalit.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Jeric Tindugan kay Malabon chief of police (CO) Col. Albert Barot, dakong 8:00 am nang makita ng kanyang pamangkin na si Bartolome Em, 28, helper, ang biktima na nakabigti gamit ang nylon rope sa loob ng kanilang tinutuluyan sa kanilag bahay.

Ipinaalam ng saksi ang insidente sa pulisya at lumabas sa imbestigasyon na dumaranas ang biktima ng depresyon dahil sa problema sa pamilya at pera.

Ayon kay P/Major Patrick Alvarado, hepe ng Malabon Sub-Station 7, nag-abroad ang asawa ng biktima ngunit hindi na ito umuwi dahil sumama umano sa ibang lalaki.        

Lumagda at nag-execute ng waiver ang kaanak ng biktima na hindi na sila interesado sa anumang gagawing imbestigasyon ng pulisya dahil naniniwala silang nagpakamatay at walang naganap na foul play sa insidente. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *