Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

BI chief Jaime Morente umaasang maipapasa na ang BI Modernization Act

BULABUGIN
ni Jerry Yap

NAGPASALAMAT si Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga miyembro ng kamara sa pagbibigay prayoridad na isama sa ikatlo at panghuling regular na sesyon ang panukala tungkol sa bagong batas ng ahensiya o ang Bureau of Immigration Modernization Act.

Sa kanyang binitawang statement kamakailan lang, sinabi ni Morente, nagpapasalamat siya sa lahat ng miyembro ng kongreso partikular kay House Speaker Lord Allan Velasco, unang nagpahayag na isa ang kagawaran sa limang ahensiya na binigyang pansin ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Bukod sa BI, kasama rin sa mga nabanggit ang Creating the Philippine Virology Institute Act, The Center for Disease Control Act, Amendments to the Continuing Professional Development Act of 2016, at ang National Housing Development Act.

 “The law is very timely as it will modernize border control,” saad ni Morente.

“The prevailing law is a very old law, which was created in the 1940s. Many of the provisions do not apply in the current times. The new law will reorganize the structure of the BI, specify responsibilities, define visa categories, put in safeguards for checks and balances, and improve the salaries of our men,” dagdag niya.

Ang bagong batas, ang nakikitang solusyon ni Morente sa noon pa’y problema ng ahensiya na magbibigay ng karapatan sa komisyoner na dumisiplina sa mga tiwaling empleyado ng ahensiya.

 “Quick and swift disciplinary action is needed to deter wrongdoings amongst our ranks,” sambit ng kasalukuyang pinuno ng BI.

Well, mula pa noong itinatag ang kasalukuyang immigration law ay ito na ang madalas sambitin ng mga nagiging komisyoner ng ahensiya, ang kakulangan ng ‘disciplinary power’ laban sa mga pasaway na empleyado ng Bureau.

Sa ngayon kasi ay pawang “recommendation for filing of appropriate sanction” lang sa Department of Justice (DOJ) ang tanging nagagawa ng BI Board of Discipline (BOD) matapos nilang dinggin at imbestigahan ang isang kaso ng sumabit na empleyado.

May mga pagkakataon pa nga na hindi na ito natatalakay pa o ‘di kaya ay hindi na nabibigyang aksiyon lalo at kung malakas sa kanila ang nagkamali.

 “Tama ba (Ma)Mang RPL?”

Kung sakali man na talagang nasa priority list na ng mga mambabatas ang amyenda sa kasalukuyang immigration law, ang tanong ng marami, “Kasama rin kaya ito sa prayoridad ng mga senador bago pa ang eleksiyon sa 2022?”

 Aba naman, pinangakuan na nga kayo gusto n’yo pang tuparin?!

He! He! He!

TRAVEL BAN SA MALAYSIA AT THAILAND MULING IPINATUPAD

INIANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) ang panibagong direktiba ng Malacañang na muling ipatupad ang travel ban sa mga pasaherong manggagaling ng Malaysia at Thailand simula 25 Hulyo 2021 hanggang sa katapusan ng buwan.

Nadagdag ang dalawang bansa sa walo pang mga bansang pansamantalang hindi muna pinahihintulutang makapasok sa Filipinas bunsod ng lumalalang pagkalat ng panibagong CoVid-19 Delta variant.

Ang walong iba pa ay ang mga bansang India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman, United Arab Emirates, at Indonesia.

 “Foreigners arriving from said countries or with a travel history there within the last 14 days will be denied entry and will immediately be sent back to their port of origins,” pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente.

 “On the other hand, Filipinos arriving from these countries as part of repatriation efforts by the government and non-government sectors will be allowed entry but will be subjected to set protocols by other government agencies,” dagdag niya.

Inilinaw rin ni Morente na ‘yung mga paparating pa lang sa bansa bago 25 Hulyo ang papayagang makapasok, ngunit sasalang sa mahigpit na 14-day facility based quarantine.

Sa tinutumbok ng mga nangyayari ay tila malabo pang bumalik ang industriya ng turismo sa bansa. Huwag naman sana mangyari ang prediksiyon ng mga eksperto na aabot sa lima o anim na taon bago manumbalik sa normal ang lahat.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *