SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TULOY NA TULOY na at wala ng makapipigil kay Jane De Leon sa paglipad nito para maging Darna.
Sa press release na ipinamahagi ng ABS CBN Corpcom, lilipad na sa wakas bilang Darna si Jane at magsisimula nang mag-taping para sa Mars Ravelo’s Darna: The TV Series ngayong Setyembre.
Kaya naman tatapusin na ni Jane ang mga natitirang eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano na ginagampanan niya ang karakter ni Capt. Lia Mante.
Mapapanood ang mas maaksiyong eksena sa mga susunod na gabi dahil sa pagsasanib-puwersa nina Lia at Cardo para sa isang mahalagang misyon.