Zephanie Dimaranan Jayna Hughes, Abu Dhabi Boot Camp, Now United

Zephanie at Jayna pasok sa Abu Dhabi Boot Camp ng Now United

MATABIL
ni John Fontanilla

DALAWANG Pinay ang pasok sa 2021 Abu Dhabi Boot Camp ng Now United. Ito ay sina Pinoy Idol Grand ChampionZephanie Dimaranan at ang Pinay US based na si Jayna Hughes.

Noong 2017 ay apat na kabataan mula sa Pilipinas ang nakapasok sa Los Angeles Boot Camp na may pagkakataong mapasama sa 14 members na bubuo ng Now United. Ito ay sina Bailey May, AC Bonifacio, Jane de Leon, at Ylona Garcia.

Si Bailey ang masuwerteng nakapasok bilang isa sa original members ng Now United na kilalang-kilala na sa buong mundo. 

Bukod kina Zephie at Jayna, sampung kabataan pa mula sa iba’t ibang bansa ang makakasama nila sa Boot Camp na sasabak sa training at mapapabilang sa Now United.