Sunday , December 22 2024

Korek na korek si QC Mayor Joy Belmonte

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

TSEK na tsek at korek na korek si Quezon City Mayor Joy Belmonte na dapat sumailalim din sa RT PCR swab test ang mga mula sa lalawigan na pinahirapan din ng ilang local government ang mga gustong makapasok sa kanilang lugar gaya ng Pangasinan, Baguio, Ilocos at iba pa.

Hindi ako pabor kung isasama ang lalawigan ng Cavite, Laguna, at Batangas, dahil hindi sila sobrang higpit gaya ng mga una kong binanggit.

Panahon na para mapigil ang paglaganap ng CoVid-19 Delta variant. Sabi nga ng nakararami hindi makapasok sa kanilang lugar, sila naman ang huwag papasukin sa Metro Manila.

Lagi nilang sinisisi o sinasabi na galing sa Metro Manila ang mga nagpositibo sa CoVid.

Mainam itong gusto ng Mayora, para magkaalaman na.

KATOTOHANAN LUMITAW NANG BUMUHOS ANG ULAN

Abala sa sitwasyon ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila at ilang karatig lugar sa panahon ng pandemic sanhi ng CoVid-19.

Nakalimutan na ang pagpapanatili ng mga kautusan sa drainage system, kaya nang bumuhos ang ulan dahil sa bagyong Fabian, marami ang bumahang lugar. Ito ay dulot ng mga baradong kanal.

Kulang pa rin sa disiplina ang taongbayan. Mga barangay captain at mga opisyal nito ang dapat nanga­ngalaga sa kani-kanilang komuni­dad. Sila rin ang responsable na ireport sa kanilang mga alkalde.

Ang siste, kung hindi ka kakampi ng Mayor, umasa ka pa! Matatabunan lamang ‘yan ng ibang papeles sa mesa ng Meyor.

Dahil sa politika, nandiyan ang benggahan, hindi na miaaalis ito dahil ‘yan ang kalakaran ng politika sa ating bansa! Kung kailan mababago ang sistema, baka pagputi ng uwak!

Pero marami rin naman ang nabago, gaya sa lungsod ng Pasay. Dati-rati ang kahabaan ng Taft Ave., sa Pasay City grabe ang lalim ng baha. Pero ngayon ay wala na dahil ipinaayos ni dating Meyor na ngayon ay Congressman Tony Calixto ang lahat ng drainage  sa nasabing lugar.

Ang dating ga-bewang na baha ay wala na sa Protacio St., daan na shortcut papasok ng Bangkal, Makati. Dati rin, konting ulan ay inililikas ang ilang residente sa evacuation center sa bahagi ng Maricaban.

Ngayon ay nakatutulog na nang maayos ang mga residente.

Panahon ni Cong. Tony maraming proyekto, sumentro ito sa drainage system, kaya naman ngayon ang utol niyang si Mayor Emi Calixto-Rubiano ay ipinagpapatuloy ang naiwan ng nakatatandang kapatid matapos ang termino nito bilang alkalde ng Lungsod ng Pasay.

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *