Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Dizon
Sunshine Dizon

Sunshine naka-2 sa Star Awards for Television

MATABIL
ni John Fontanilla

DOUBLE nomination ang nakuha ni Sunshine Dizon sa 34th PMPC Star Awards for Television at ito ay ang Best Drama Actress para sa mahusay na pagganap sa Magkaagaw at Best Single Performance by an Actress para sa Tadhana episode na Magkano ang Forever.

Kaya naman sobrang saya ni Sunshdine sa dalawang nominasyong nakuha mula sa Philippine Movie Press Club (PMPC).

Post nito sa kanyang IG account, “Unang beses ko yata ito na double nomination. Salamat po PMPC. Nakakataba ng puso. Nasa ibang bakuran at pamilya man ako ngayon nagpapasalamat pa din po ako at nabigyan ako ng pagkakataon na bigyang buhay si Laura sa Magkaagaw at si Bekang sa Magkano ang Forever. Sa lahat ng bumubuo at Director lalo na sa Tatay Gil Tejada ko at sa mga writer congratulations.”

Sunod-sunod ang naging post nito sa kanyang Instagram bilang pasasalamat sa PMPC at para i-congratulate ang kanyang mga kaibigan sa Kaputo at Kapamilya na nominado rin.

Binati nito ang mga kaibigang nominado rin tulad nina Dingdong Dantes for Best Drama  Actor para sa Descendants of the SunGabby Eigenman for Best Drama Supporting Actor sa Bilangin ang Bituinsa LangitVina Morales at Cherry Pie Picache for Best Drama Supporting Actress para sa Sandugo.

Sa paglipat ni Sunshine sa Kapamilya Network, kasama siya agad sa Marry Me Marry You with Vina, Lito Pimentel, Teresa Loyzaga, Joko Diaz, Janine Guttierez, Paulo Avelino, Edu Manzano, Adrian Lindayag, Cherry Pie Picache, Keann Johnson, Fino Herrera, Ej Jallorina, Jett Pangan, Jake Ejercito, Angelica Lao, Iana Bernardez, Luis Vera Perez mula sa direksiyon nina Jojo Saguin at Dwein RuedasBaltazar under Dreamscape Entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …