PINAGBABARIL ng iding-in-tandem ang isang volunteer ng Task Force Disiplina at kanyang misis hanggang mamatay sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng hapon.
Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) P/BGen. Antonio Yarra, ang mga biktima ay kinilalang sina Marlon Ornido, 51 anyos, tricycle driver, volunteer ng Task Force Disiplina at misis niyang si Fe Ornido, 46 anyos, vendor at kapwa naninirahan sa Block 3, Lot 12, champaca, Daisy St., Brgy. Pasong Putik, Quezon City.
Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 12:30 pm, kahapon, 21 Hulyo, nang maganap ang krimen sa mismong tahanan ng mag-asawa sa Brgy. Pasong Putik.
Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Mark Philip Paule, magkasamang lumabas ang mag-asawa nang salubungin ng mga putok ng baril sa harap ng kanilang tahanan ng sinabing riding-in-tandem.
Ayon sa mga nakasaksi, nang makitang kapwa duguang bumagsak ang mag-asawa, mabilis na tumakas ang mga suspek na kapwa armado ng baril, nakasuot ng green t-shirt habang ang isa ay nakasuot ng itim na jacket.
Naisugod a Commonwealth Hospital ang mag-asawa pero idineklarang dead on arrival dakong 1:05 pm ni Dr. Noli Rifareal.
Masusing nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang upang kilalanin ang mga nakatakas na suspek. (ALMAR DANGUILAN)