Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gladys Guevarra Bherger
Gladys Guevarra Bherger

Gladys sobrang nagdalamhati sa pagpanaw ni Bherger

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

SINAKSIHAN namin ang pamimighati ng komedyanang si Gladys Guevarra sa pagpanaw ng kanyang alagang asong si Bherger.

Mahabang panahon ding naging kasa-kasama ito ni Gladys.

At sa pagtungo niya sa Amerika sa kasagsagan ng pandemya, kasama pa rin niya si Bherger.

Umulan at umaraw man sa ikot ng buhay ni Gladys, si Bherger ang naging kasama niya. Kahit daw lahat ay tumalikod na sa kanya, ito lang ang nanatiling totoo at tapat.

Kaya nga sa halos lahat ng blogs at vlog nito, lahat ng galaw nilang mag-ina ay ibinabahagi ni Gladys. Sa pagtulog, paggising, paglalakad sa labas ng bahay, at sa Amerika, pagsa-shopping.

Pakiwari nga ni Gladys, sumang-ayon na rin si Gherber sa pagdating ng mahalagang tao sa buhay niya, nang lumagay na siya sa tahimik.

Parang naramdaman na ni Bhergher na may tunay ng mag-aalaga sa kanyang ina.

Marami ang nakiramay kay Gladys sa pagnguyngoy niya sa kanyang FB Live. Habang pumasok na sa trabaho ang kanyang minamahal na esposo at binigyan naman siya ng espasyo para tuluyang mamighati.

Napaka-sweet and truly a darling naman kasi ang heavyweight na si Bherger.

Mahirap nga sigurong makahanap ng isang gaya niya na naikompara na sa tao ni Gladys sa hindi maipaliwanag na sayang naipagkaloob nito  sa buhay niya sa mahabamg panahon.

“These are the random things my husband does when he’s trying to express how he feels for me. Unti-unti masasabi ko, binubuo n’ya rin ulit ako sa pagkawala ni Bherger by comforting me in his own little ways.”

Yakap. Dinners. Drive around.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …