Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Navotas

24-hour curfew sa minors, ipinatupad muli sa Navotas

BUNSOD ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease, inihayag ng pamahalaang lungsod ng Navotas, ipatutupad muli ang 24-oras curfew para sa mga menor de edad.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, noong 17 Hulyo iniulat ng COVIDKAYA, ang Navotas ay nakapagtala ng 105.06% 2-week growth rate ng CoVid-19 cases, pinakamataas sa Metro Manila.

“In June, we had the lowest average daily attack rate in the region. We even recorded 41 active cases on June 25. Now, our active cases have multiplied almost four times. We cannot be complacent. We need to implement additional measures to keep our people safe, especially the children and vulnerable sectors,” paliwanag niya.

“Each of us wants our life to go back to normal. However, we are facing a pandemic and we need everyone’s support and cooperation in keeping each other safe,” dagdag ng alkalde.

Nauna rito, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay nagpasa ng resolusyon na pumapayag sa mga kabataang edad 5-anyos pataas na maaari nang lumabas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Ang Navotas ay naghahanda sa pagpapatupad sa naturang polisiya ngunit nagpasyang pigilan ito dahil sa patuloy na pagtaas ng CoVid cases.

Hanggang 18 Hulyo, ang Navotas ay nakapagtala ng 11,244 cases, 10,713 dito ang mga gumaling, 154 ang active, at 377 ang mga namatay. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …