Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pokwang naglabas ng sama ng loob sa isang direktor

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

BIHIRANG magalit si Mamang Pokwang  o Pokie. Pero kapag nabanas, nailalabas.

Sabi nito sa kanyang FB page, ”Hello po…Share ko lang ito ha para lumuwag na ang pakiramdam ko ng tuluyan, bilang isang artista di talaga maiwasan na napupulitika minsan hahahaha. 

“Pero ok na po ako naka move on na sa sakit pero gusto ko lang ihinga for the last time.

“Bago mag-pandemic may isang indi movie na inalok sakin, so ako naman bilang gustong gusto ko ang indi movie kaya tanggap agad at nagtungo sa isang lugar  kung saan nag screening pa video etc, etc, with the young director ng movie. 

“Nagkaiyakan na kami kwentuhan palang about sa istorya ng movie at nadama ko agad ang kwento dahil masakit sa totoong buhay. 

“Natuwa si direk kaya sabi nya hindi na daw sila mag papa  audition at ako na nga daw ang gaganap. So nag wait ako anong ganap hahahahaha. 

Wala na balita nabigay na sa iba kasi nagmamadali silang mag roll na at di na daw mahihintay ang sched ko? Huh? 

“Konting adjust lang sana kung naghintay lang sana ang pakiusap dahil inaayos naman ang sched haaayyy >ØrÝ 

“So sa madaling salita di sakin napunta ang movie. Sad! 

“Pero ang mas nakakaloka dito yung malaman mo na hindi naman daw ako ang first choice? Hahahahahaha 

“Sa kabila ng sinabi nila na walang audition na mangyayare dahil ako daw talaga ang bet ni direk! Ah ok po…. Byyyeee!!!!”

Ipatampal mo kay Malia ng mag-asawa at umaatikabong Inglisan. Baka hindi nakaiintindi ng Tagalog!

May mga pangalan na bang naglalaro sa mga isip niyo?

O, gaya nga nagsabi ng isang nagkomento, baka INDI-KATO lang ito?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …