SA MAYNILA umabot at nakorner hanggang maaresto ang isang Tsinoy, ang naganap na hot pursuit operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) matapos magwala at takasan ang kanyang bill sa isang hotel sa Quezon City, nitong Martes ng umaga.
Ang suspek na si Arvin Chua Tan, 46, residente sa Gilmore Ave., New Manila, Quezon City, ay nakapiit sa QCPD Kamuning Station (PS10) habang inihahanda ang mga kasong estafa, resistance and disobedience to persons in authority, at multiple damage to property.
Sa report ng Quezon City Police District – Kamuning Station (QCPD-PS10), dakong 10:30 am, nitong 13 Hulyo, nang maganap ang insidente sa Hotel Sogo na matatagpuan sa Timog Ave., Brgy. South Triangle, QC.
Sa reklamo ni Catherine Pelaez Silva, 40 anyos, branch manager ng Hotel SOGO, 1:00 pm nitong 12 Hulyo, nag-check-in sa SOGO Hotel ang suspek.
Kinabukasan, Martes, lalabas na umano ang suspek ngunit tumangging magbayad ng kaniyang bill.
Nagulat ang mga staff ng hotel dahil imbes magbayad ng bill ang suspek ay galit na nanghihingi ng halagang P20,000 sa hindi malamang dahilan.
Dahil dito, nagkasagutan ang suspek at ang staff ng hotel hanggang tila nawawala sa sariling nag-amok si Tan kaya inireport sa QCPD Kamuning Station (PS10).
Agad nagresponde ang mga pulis at habang nasa kalagitnaan ng komprontasyon, mabilis na sumakay si Tan sa nakaparadang itim na BMW sa parking lot ng hotel, binangga ang nakaparadang police mobile car ng mga awtoridad, maging ang NMAX motorcycle na sinasakyan ng kinilalang si P/MSgt. Tagulao, saka pinahuhurot patungong Maynila.
Tumakas ang suspek hanggang magkaroon ng ‘hot pursuit operation’ pero patuloy ang pagbangga si Tan sa mga sinusundang pribadong behikulo, maging ang nadaaanang LTO mobile cars, mga motorsiklo, at iba pang mga sasakyan.
Umabot ang ‘hot pursuit operation’ sa kanto ng Nicanor Reyes (Morayta) St., at C.M. Recto Ave., sa Sampaloc, Maynila kung saan tuluyan nang nadakma ang suspek. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …