I-FLEX
ni Jun Nardo
“HAPPY to be a Kapuso!” ‘Yan ang bungad ng director at star-builder na si Johnny Manahan nang pumirma ng contract sa GMA. Pero magsisilbi siyang consultant sa GMA Artist Center at entertainment shows. Hindi siya magdidirehe ayon sa pahayag niya sa virtual mediacon niya kahapon.
Paretiro na ang director matapos ang shows sa TV niya at ibang commitments. Pero kating-kati pa siya magtrabaho kaya naman nang makausap ang kaibigan sa GMA at ilang boss, nagkasundo at bahagi na ngayon ng GMA.
Sa pagiging Kapuso, wala siyang balak isama ang nasa Star Magic na naging bahagi ng pag-build up niya.
“Wala. Sila na ang bahalang magdesisyon. Abangan na lang natin,” saad ni direk Johnny.
Malawak ang responsibilidad na ibinigay sa kanya. Uunahahin niya ang imaging ng younger breed of stars at pinatutulong din siya sa ongoing musical variety ng Kapuso Network.