Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abby nagbaon ng shirt ni Jom sa lock-in taping

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

FIRST time makararanas mahabaang quarantine ang aktres na si Abby Viduya. 

Parte siya ng pinaka-aabangang serye ng buong pamilya sa Kapuso Network, ang Lolong.

Sosyal ang hotel na sampung araw mamamalagi si Abby, kasama ang iba pang main star ng palabas. Hindi sila magkikita-kita dahil kanya-kanya sila nina Jean Garcia, Leandro Baldemor, pati na ni Boyet de Leon ng kuwarto sa EDSA-Shangri-la Hotel.

Ipinakita ni Abby sa akin ang kanyang sosyal na room, pati na rin si Leandro.

Ikalawang araw pa lang ni Abby eh, lungkot na lungkot na ito dahil nga matagal na panahon siyang mawawalay sa boyfriend na si Konsehal Jomari Yllana.

“Nagbi-video call kami habang kumakain siya. Kaya, sabay kami. Para na rin kaming magkasama. Finding ways so as not to get bored. Hahaha. I brought naman my laptop. So, puwede mag-watch ng Netflix. Ten days ito.”

Sa mismong location ng kanilang taping, sa Villa Escudero sa Quezon, sa isang hotel din doon sila mamamalagi.

Para namang school girl na kinikilig si Abby sa pagka-miss sa kanyang Papa Jom.

Kaya para hindi siya malungkot nang husto alam niyo ang ginawa ng kilig-to-the-bones na aktres?

Binaon ang shirt ni Jom noong huli silang magkasama. Na may Bulgari Soir na pabango pa. At para hindi mawala ang amoy agad-agad, naka-ziploc na binitbit ito. At siya niyang yakap-yakap sa quarantine!

Challenging nga for Abby ang buhay quarantine sa taping ngayon. But every step of the way naman siyang sinasamahan ni Jom.

Marami na ang intrigued sa naibigay niyang pahayag tungkol sa kasal.

Sila na ba ang susunod sa mga nagpaplano at lalagay na sa estado ng pagiging mag-asawa?

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …