Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Jeepney driver binoga sa ulo ng tandem todas

AGAD binawian ng buhay ang isang jeepney driver makaraang malapitang barilin sa ulo ng riding-in-tandem sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Jessie Medina Rivera, Jr., 40 anyos, may live-in partner, jeepney driver, at residente sa San Luis St., Barangay Gulod, Novaliches Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 4:50 am, kahapon, 11 Hulyo, nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Quirino Highway kanto ng  Villareal St.,  Barangay Gulod, Novaliches, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni Pat. Nestor V. Ariz, Jr., sinabi umano ng testigong kinilalang si Feliciano, nagpaparada siya ng sasakyan nang makarinig ng putok ng baril at nang kaniyang usisain ay nakita niya ang nakabulagtang duguang katawan ng biktima.

Kasabay nito, nakita umano ni Feliciano ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na walang plaka, nakasuot ng facemask at sporty cap na armado ng baril, ang mabilis na tumakas.

Natagpuan ng Scene of the Crime Office (SOCO) operatives sa pamumuno ni P/Lt. Reynold Tabada ang  isang piraso ng motorcycle kneepad protective gear at  isang PUJ, may plakang PWY 938.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo sa naganap na krimen.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …