Saturday , November 16 2024
QC quezon city

‘Child Friendly Safe Zones’ itinakda sa QC

ITINAKDA ng Quezon City government ang ilang open-air locations sa lungsod bilang ‘Child Friendly Safe Zones.’

Ibig sabihin, papa­ya­gan magtungo at maka­pagsagawa ng outdoor activities, non-contact sports at exercisee, ang mga paslit na limang taong gulang pataas.

Ito’y matapos pahin­tu­lutan na ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 (IATF) ang mga batang limang taon pataas mula sa kanilang mga tahanan.

Sa inilabas na memorandum, tinukoy ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Quezon Memorial Circle at Ninoy Aquino Parks and Wildlife na kabilang sa mga pasyalan na idineklarang ‘Child-Friendly Safe Zones.’

Kasama rin dito ang ilang city-owned parks na pinangangasiwaan ng Quezon City Parks Development and Administration Department (PDAD), kabilang ang mga pasyalan sa loob ng mga residential subdivisions.

Bukod dito, sinabi ni Belmonte, ang Quezon City Business Permits Licensing Department (BPLD) ay maaari rin magtakda ng Safe Zones, kabilang ang mga outdoor activity areas, swimming pools, tourist sites, al fresco dining o iba pang open air areas sa mga malls at iba pang commercial establishments.

Anang alkalde, ang hakbang ay alinsunod sa panawagan ng UNICEF Philippines sa local governments na payagan ang mga batang maka­paglaro at makapag­sagawa ng sports at exercise sa outdoor areas, para na rin sa physical at mental well-being nila ngayong may CoVid-19 pandemic pa rin.

Sa nasabing memorandum, sinabi ni Belmonte, ang mga limang taong gulang pataas ay maaaring pumasok sa mga Safe Zones para sa mga non-contact activities gaya ng outdoor playtime, games, sports, exercise, outdoor swimming o iba pang leisure activities, at para sa al fresco dining, ngunit dapat na may kasamang fully-vaccinated adult guardian.

Inihayag rin ng alkalde, maaaring ireko­menda ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang pagbawi o reboka­syon o modipikasyon ng designasyon ng lokasyon bilang Child-Friendly Safe Zone sakaling magkaroon ng malawakang paglabag sa health protocols o kung magkaroon ng CoVid-19 outbreaks.

Agad umanong sususpendehin ng QC Mayor ang operasyon ng zone kung ang lokasyon nito ay isasailalim sa Special Concern Lockdown. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *