Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagsik ni Pacquiao walang kupas — Roach

MARAMI ang humangang fans ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa inilabas na video sa social media sa kanyang opening day training sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.

Hindi halatang 42 anyos na si Pacquiao dahil nananatili ang bilis ng footwork kaya naman maging ang kanyang premyadong trainer na si Freddie Roach ay bumilib.

Walang pagbabago ang kilos at lakas ng suntok ng Pinoy champion kahit matagal na natengga sa laban.

“He’s really sharp on his first day,” hayag ni Roach.

Makikipag-upakan si Pacquiao kay reigning World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence, Jr., sa 22 Agosto 2021 (Manila time) sa Las Vegas, Nevada.

Aminado si Pacquiao na matindi at malakas ang kanyang makakalaban kaya naman hindi nagpa­pabaya sa kanyang pag­hahanda. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …