Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynez Veneracion, buntis na Darna!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
FOUR weeks from now ay muling magiging mommy ang aktres na si Ynez Veneracion. Nalaman namin ito sa kanyang Facebook post na:
 
My very first maternity photo shoot. I really can’t wait to meet our new addition to the fam in just 4 weeks!
I would like to thank our dear Lord for sending me this little Angel & also the people who supported me on this journey…
I have mixed emotions and I’m humbly asking a little prayer for my safe(ty)delivery. Thank u guys in advance & God bless us all!
 
Sa naturang post ay pinasalamatan ni Ynez ang kanyang mother, anak, malalapit na kaibigan, at ang daddy ng magiging anak niya na si Bryan Recto. Nalaman din namin na uncle ni Bryan si Sen. Ralph Recto dahil pinsan ito ng dad niya.
Anyway, sa aming short na tsikahan ay sinabi ko kay Ynez na ngayon lang ako nakakita ng Darna na buntis. Pero in fairness, kahit higit eight months preggy na ang aktres, sexy pa rin at maganda.
 
Inusisa namin si Ynez kung paano niya naisip ang Darna concept sa naturang maternity photo shoot.
 
Esplika niya. “Noong una kasi, isip ako nang isip kung anong peg. Ang mga nakikita ko kasi, puro mga fairies, gowns… E naisip ko bigla kung mayroon bang concept na super heroes? Wala akong makita, ang nakita ko sa Google, Princess Jasmine lang yata, tapos foreigner pa.
 
“So, una ay naisip kong mag-Wonder Woman, kaso hindi labas ang tummy ni Wonder Woman. Kaya sabi ko ay magda-Darna ako. Ayun, nag-Darna ako, kasi kakaiba. Wala pa halos gumagawa niyon dito.”
 
Ang Darna costume niya, galing ba kay Ms. Regine Tolentino? “Yes kay Regine, sponsor niya. Pati studio, sponsor din,” sambit ng aktres.
 
Nabanggit din ni Ynez ang nararamdaman sa nalalapit na panganaganak, na una niyang naranasan sampung taon na ang nakararaan sa panganay niyang si Princess Keilah del Rosario.
 
Masayang wika ni Ynez, “Super-excited! Bilang na ako nang bilang ng araw. Naiinip ako, hahaha! Kung ano-ano na ang paglilibang na ginagawa ko para ‘di ko mapansin ang takbo ng araw, hahaha!”
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …