Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vivamax punumpuno ngayong July

SA dami ng pelikulang ginagawa ang Viva, sulit na sulit ang mag-subscribe sa VivaMax. Lalo na ngayong July, napakaraming pelikula ang kanilang ire-release. Imagine, sa halagang P29, may unli-watching pleasure ka na sa loob ng tatlong araw.

Ito ay bilang pasasalamat ng Vivamax sa libo-libong subscribers nila na nag-eenjoy sa mga pelikulang release nila simula pa nang ilunsad ito  ng early 2021.

Umpisahan ang panonood ng pelikulang ang Gluta na noong July 2 lamang ini-release na idinirehe ni Darryl Yap.  Ito ay ukol sa isang Aeta na hindi alintana ang kulay at pinagmulan dahil enjoy siya sa pagsali sa beauty contests. Bida rito sina Ella Cruz, Marco Gallo, Rose Van Ginkel, at Juliana Pariscova Segovia.

Nariyan din ang sexy film na Silab na sa July 9 na mapapanood.  Pinamahalaan ito ni Joel Lamangan. Ukol ito sa love triangle nina Cloe BarrettoJason Abalos, at Marco Gomez.

Sa July 16 naman mapapanood ang Lovi Poe, Joem Bascon, at Rhen Escaño starrer, ang The Other Wife na idinirehe ni Prime Cruz. Isang  sexy thriller na kinapapalooban ng selosan at fatal effects.

Ang isa pang Vivamax Original ay ang Nerisa na pinagbibidahan naman nina Cindy MirandaAljur AbrenicaAJ Raval, at Sean de Guzman. Isa itong sexy drama ukol sa isang babaeng misteryosang nagpakita sa isang isla na naging dahilan para magkagulo ang mga kalalakihan at pagselosan ng ibang kababaihan. Ito ay isinulat ni Ricky Lee at pinamahalaan ni Lawrence Fajardo. Tatalakayin sa Nerisa ang gender at power ng kababaihan. Mapapanood ito simula July 30.

Mapapanood din sa VivaMax ang Mañanita na pinagbibidahan ni Bela Padilla at idinirehe ni Paul Soriano. Nariyan din ang Pandanggo sa Hukay ni Iza Calzado na ukol sa woman’s journey na idinirehe ni Sheryl Rose Andes.

Ang isa pang hindi dapat palagpasin ay ang multi-awarded film na Edward na pinagbibidahan nina Louise Abuel at Ella Cruz.

May dalawang local series din ang puwedeng mapanood sa VivaMax, ito ay ang Encounter, na base sa Korean drama at tampok sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga, at ang Puto, ang hilarious sequel ng classic movie na may ganito ring titulo na pinagbibidahan nina Herbert Bautista, McCoy de Leon, at Beks Battalion.

Inilunsad din ng Vivamax ngayong July ang ilang Korean titles tulad ng Moonlit Winter, Taxi Driver, Diva, Metamorphosis, at Battle of Jangsari. Bida sa mga pelikulang ito sina Kin Hee-ae, Lee Je Hon, Esom, at Shin Min-a. Ang mga Korean movie at series na ito ay may Tagalized options para tiyak na ma-satisfy ang inyong panonood ng Korean drama at action.

Mayroon ding Hollywood films dito, ang Adrift at The Lost City of Z.

Mapapanood din ang mga pelikula ng mga sikat na loveteam na ipinrodyus ng Star Cinema. Nariyan ang movie ng KathNiel, ang Barcelona: A Love UntoldLizQuen sa My Ex and Whys, LizGerald sa My Perfect You, JoshLia sa Vince and Kath and James, at ang One More Chance nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

At kung nakalulula ang naggagandahang release ng Viva ngayong July, tiyak na mas marami pang nakaabang sa Agosto. Kaya mag-subscribe na sa Vivamax.

(MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …