NADAKMA ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang itinuturing na top 2 most wanted person (MWP) sa bisa ng warrant of arrest sa pinagtataguan nito sa Antipolo City.
Ayon kay P/Maj. Jun Fortunato, Deputy Station Commander ng Holy Spirit Police Station 14 ng Quezon City Police District (QCPD), ang suspek ay kinilalang si Paul John Lecetivo, 28, binata, crew attendant.
Sinabi ni Major Fortunato, si Lecetivo, residente sa M.L. Quezon Extension, Barangay Dalig, Antipolo City, Rizal, ay inaresto ng mga tauhan QCPD Holy Spirit Police Station 14 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Nelvin Malaluan Asi, Presiding Judge ng MTC Branch 114 ng Muntinlupa City na inisyu nitong 05 Enero 2021.
Ang suspek ay nadakma sa kahabaan ng M.L. Quezon, Barangay Dalig, Antipolo City, Rizal dakong 11:45 pm nitong nakalipas na 30 Hunyo 2021.
Si Lecetivo ay tinuturing ng estasyon na Top 2 MWP dahil sa ilang serye ng mga kaso sa naturang police station gaya ng robbery holdap nitong nakalipas na 2010 at pagkakasangkot sa ilegal na droga.
Nabatid na tumakas ang suspek sa Muntilupa New Bilibid Prison nitong nakalipas na 2020 at nagtago sa Antipolo, Rizal, hanggang madakip siya nitong nakalipas na linggo sa operasyon ng mga pulis. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …