Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pokwang bet na bet ang pagiging konteserang nanay

Rated R
ni Rommel Gonzales

SA kauna-unahang pagkakataon, mapapanood ang bagong Kapuso na si Pokwang sa real-life drama anthology na Magpakailanman sa Sabado, July 10.

Bibida si Pokwang sa episode ng #MPK na pinamagatang Nanay Kontesera. Kuwento ito ni Helen, isang inang maabilidad na gagawin ang lahat—mula sa pagtitinda, pangungutang, at pati na pagsali ng mga beauty contest—para lang itaguyod ang kanyang mga anak. Kayod-kalabaw si Helen, lalo na’t may kapansanan ang isa sa kanyang tatlong anak.

Naging tampulan ng pangungutya si Helen dahil sa paraan niya ng paghahanap-buhay para sa kanyang pamilya. Ang higit pang mas masakit, minamaliit ng kanyang sariling pamilya ang pagsali niya sa mga beauty contest.

“Talagang bet na bet ko po ‘yung role ko rito. I’m sure matatawa at maiiyak kayo. Ito po ay pinamagatang ‘Nanay Kontesera,’ ngayong Sabado na po ‘yan dito lamang po sa GMA,” share ni Pokwang.

Bahagi rin ng episode sina Boom Labrusca, Tart Carlos, Ayra Mariano, at Gold Aceron.

Huwag palampasin ang unang paglabas ni Pokwang sa brand-new episode ng #MPK, ang Nanay Kontesera, sa Sabado, July 10, 8:00 p.m. sa GMA-7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …