Saturday , November 16 2024

Fish kill sa Taal lake umabot sa 109 metric tons na

LALO pang nadagdagan ang bilang ng mga namamatay na isda sa lawa ng Taal mula nang itaas sa Alert Level 3 ang estado ng bulkan.
 
Sa report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 4-A, nasa 108 metric tons ang naitalang dami ng namatay na bangus at tilapya mula noong nakaraang linggo. Katumbas nito ang halagang P 8,999,250.
 
Sabi ng BFAR CALABARZON, nasa 22.5 metric tons ng bangus ang nasira sa anim na fish cages, na may tatlong buwan nang inaalagaan at may halagang P480,000, at isang fish cage na sana ay aanihin na, at tinayang may halagang P1,062,500.
 
Sa tilapya, nasa 86.5 metric tons ang namamatay na may halagang P7,356,750 para sa 11 fish cages na nakatakda na sanang anihin.
 
Hindi pa matukoy ng BFAR kung may kaugnayan sa estado ng bulkang Taal ang naranasang fish kill sa Lawa nitong mga nakaraang araw.
 
Samantala, muling nagpamalas ng pag-alboroto ang bulkang Taal nitong Miyerkoles ng umaga.
 
Sa datos na inilabas ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), apat na beses nagkaroon ng maliliit na phreatomagmatic burst ang bulkan.
 
Una, dakong 5:18 am, 7 Hulyo, tumagal ito nang halos isang minuto at nasundan ng 8:47 am na tumagal ng pitong minuto at naglabas ng 300 meters na taas ng plume.
 
Ikatlo at ikaapat, dakong 9:15 am at 9:26 am na tumagal ng dalawa hanggang limang minuto.
 
Habang ang panglima naman ay 11: 56 am, naitala ang 200 metrong kulay itim na plume o usok matapos makunan ng main crater IP Camera ng ahensiya. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *