Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnell tinalakan ang isang banko

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

ANG kinilalang better half sa Comedy ni Ai Ai delas Alas when she was just starting sa Music Box sa panahong nagre-rebelde at naglalakwatsa siya kapag gabing bawal siyang lumabas ng bahay ay si Arnell Ignacio.

Sabi nga ni Ai Ai, nadaanan na nila ni Arnell ang halos lahat ng Presidente mula kay Corazon Aquino up to the present na nananatili ang friendship nila.

At kahit naman magkahiwalay na gumagalaw ang mga mundo nila, patuloy sila sa pagpapayaman sa kanilang mga talino.

May show si Arnell streaming online with Keanna Reeves sa Push Mo ‘Yan na napapanood sa Facebook and sa YouTube.

Witty si Keanna sa mga seryosong isyung pinag-uusapan nila ni Arnell sa palabas.

Sasabog din ang lungs mo sa katatawa sa dalawa dahil napaghahalo nila ang seryoso st katawa-tawang paghalukay sa mga isyu. At hindi sila nawawalan ng bashers na ikinatutuwa naman nila.

Sa pamamagitan ng producers nilang sina Art Halili at Marie Santos Aquilizan sa K5 Digital Media, may 50 artists din na nabigyan nila ng mga palabas sa nasabing platform.

Natawa ako minsan kay Arnell dahil hindi man of national issue ang pagtalak niya sa Rewards Points ng BDO (Banco de Oro) ay marami naman ang naka-relate.

Basta na lang kasi itinigil ito na hindi man lang ipinaubos sa cardholders ang laman ng mga naipon na nilang points dito.

Kaya nang gagamitin at uubusin na ni Arnell ang points niya sa BDO Rewards Card niya since tatapusin na nga ito, ayaw tanggapin ng kahera.

May ibabayad naman si Arnell na kung mamili naman talaga eh malaki ang ginagasta.

Pero ang point niya, para saan at binigyan ang BDO client na gaya niya ng ganoong perks kung hindi rin naman pala magagamit? Na kada shopping ay grocery nga niya eh ikinababahala pa niya kapag hindi  niya nadala dahil hindi makakaskas para sa points.

Nag-rant siya saglit about it.

“Itong  Hypermart sa cainta (cashier 15 ) ang sasabihin lang hindi ito puede . Down ang system at wala silang magagawa.  Alam niyo BDO pagkatapos kayo tangkilikin ng ilang taon, sa ganito na lang kayo makakatulong sa mga kliyente niyo hihiyain niyo pa at babastusin. ganun lang wala  magagawa. magbibigay pa kayo ng diamond diamond card. 

“Kapag kayo na magsusukli  you can hardly  find  even the simplest way. Para namang naghihingalo kayo 

“I have been your loyal client, nasa SM north pa lang ang banco de oro na dilaw pa ang passbook at wala pang interbranch transaction. Nung nagkapera pera ako, kayo pa rin ang buo kong pinagkatiwalaan na banko. Nung kagipitan , pati niregalo binabawi.

“Totoo nga, “A bank is a fellow who lends you his umbrella when the sun is shining, but wants it back the minute it begins to rain” unverified if mark twain or robert frost said this but nevertheless it cannot be any more true even today.”

It’s not about the Rewards or Perks lang, eh. Pero paano nila itrato ang bawat kliyente nila!

Right, Papa P and Mama Pia W. and more!

Speaking of Pia, partner na sa business nila ng dishwashing soap and liquid ang anak na si Sofia. And doing better ang mag-ama sa nasabing business.

Wala pa ito sa lahat ng SM branches at direkta itong mabibili from the DA himself or his daughter!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …