Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline muntik makipagsapakan dahil sa isang action star

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


S
OBRA-SOBRA rin palang magmahal itong si Angeline Quinto.

Sa kanyang Youtube channel, ibinuking nito ang sariling minsan na siyang nakapag-regalo ng motorsiklo sa naging dyowa.

Sinabi pa ni Angge na likas sa kanya ang mapagbigay. Kaya naman natanong ito kung nakapagpa-utang na ba rin siya?

“Nakasanayan nilakasi alam n’yo naman ako ‘di ba? Mapagbigay akong tao. Sabi ko nga sa inyo, hangga’t may maibibigay akong tulong. Siyempre jowa ko pa, siyempre ‘pag jowa niyo, mahal ninyo,” paliwanag ng tinaguriang Queen of Teleserye Theme Songs.

Paliwanag pa ng dalaga, kung minsan ay hindi na nagpapa-alam ang dyowa niya (pagkuha ng pera). ”Kuha lang siya nang kuha pero hinahayaan ko eh. Binigyan ko pa nga ng motor… nakapag­bigay ako ng motor, sasak­yan,” anito.

Ka­ya naman nasa­bi nitong hindi im­po­si­bleng ba­hay at lupa na ang maibigay niya sa magiging jowa.

Nalaman din sa video na muntik siyang makipag­sapakan sa babae dahil sa isang action star. Hindi naman nito sinabi kung sino iyon at kung dyowa n’ya ba ang action star kaya siya makikipagsapakan.

Sa kabilang banda, si Angeline ay isang tunay na kapamilya ng Star Magic at buo ang kanyang pasasalamat sa premier talent management. Matapos magpahinga sa pagkawala ng kanyang Mama Bob, malaki pa rin ang pasasalamat ni Angeline ngayong 2021. Hindi lang siya napapanood sa Kapamilya primetime soap na Huwag Kang Mangamba, siya rin ay magbabalik-eskuwelahan at muling ilulunsad ng chicken wings business na naging malaking hit noong nakaraang taon.

Sa kabilang banda, abangan ang Star Magic Black Pen Day na isang milestone event para sa Star Magic sa Hulyo 18, 9:30 p.m. sa A2Z at Kapamilya Channel.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …