HARD TALK!
ni Pilar Mateo
NAGTANGHAL sa New York, USA ang Comedy Box Office Queen na si Ai Ai delas Alas.
Hindi iyon virtual. Kaya first sa panahon ng pandemya na naganap ito na ikinasiya ng mga tagahanga ng komedyana.
Sa online show sa New York, streamed worldwide na Over A Glass Or Two hosted by Jessy Daing kasama ang guest host na si Lally Amante, nagpasabog si Ai Ai ng katatawanan mula sa mga nakatsika rin niyang tagahanga sa nasabing pagkakataon.
Natanong ko si Ai Ai kung may posibilidad bang magkasama sila sa isang proyekto ng kalilipat lang doon at parte na rin ng GMA Artist Center na si Pokwang.
“Siguro. Hindi malayo. Kasi, naging tsika-tsika naman kami ngayon. This pandemic. Nagpapalitan kami ng mga paninda namin. ‘Yung iba’t ibang klase ng pandesal ko. ‘Pag nasa Manila ako at may magtatanong kung may Martina pandesal doon gumagawa kami at magbubukas. Kaya oorder si Pokwang tapos ako naman oorder din mga paninda niya. Pareho naman kami, GMA-7 artists na. Kakapirma ko lang din uli ng kontrata sa kanila.”
Nag-enjoy ang mga host sa tsikahan with Ai Ai, lalo na sa kanyang lovelife na 30 years ang tanda niya.
Naniniwala na nga si Ai Ai na nagwo-work sa mga kababaihan na ilang taon ang tanda sa partners nila na scientifically, ayon sa kanyang mga nabasa na bumabata nga ang mga ito.
Sa kung ilang taon na nilang pagsasama na maya’t maya na siyang naba-bash, pati na si Gerald Sibayan at pamilya nito, natutunan na rin ni Ai Ai ang Art of Dedma.
“Noong una, tinawag ako na Lola na ni Gerald. Tapos Ate. Bumalik sa Auntie. Haha. Natatawa na lang ako. Nasaktan ako for his family. Kasi idinadamay. Eh ngayon, bonus na lang sa pagiging maganda ko ang pera. Nakita naman ng lahat kung gaano karesponsable at maalagang asawa si Gerald.
“Pinagsisikapan niyang maging Piloto pero dumating ang pandemya. Pero hahanap at hahanap pa rin siya ng magagawa para maibigay niya sa akin ang magandang future. Para sa aming buong pamilya.”
Sana nga raw ay magtuloy-tuloy na ang pagso-show niya at kung pwede nga eh, umikot na sa iba’t ibang bansa! At sana pagbalik niya ng Maynila, gawin din niya ito sa isang malaking venue na keri ang social distancing!
Thankful si Ai Ai sa kanyang producers, especially kay Elton Lugay ng TOFA Awards sa pag-anyaya sa kanya sa New York! At maihahatid niya ang big bite and big chunks of laughter sa mga naka-miss sa kanya all these years!