SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
AYAW ipapanood ni Jason Abalos ang pelikula niyang Silab na idinirehe ni Joel Lamangan sa kanyang GF na si Vickie Rushton. Katwiran niya, may butt exposure siya.
Ani Jason, hindi selosa si Vickie, pero, ”Hindi pa niya kasi ako napanood sa ibang pelikulang nagawa ko na ginawa ko rito sa ‘Silab.’”
Sinabi pa ni Jason nab aka ma-shock ang kanyang GF kapag napanood ang Silab.
Maayos, maganda, at mainit ang walong taong relasyon nila ni Vickie dahil open ang kanilang komunikasyon.
Samantala, naurirat si Jason ukol sa pahayag ni Vickie na graduate na sa pagsali sa beauty contest.
Reaksiyon ng actor, ”Siguro nasa ano na kami ni Vickie eh, matagal na akong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko ayon na ‘yon e. Sabi ko, ‘O tama na ‘yan, hindi ka na pwede, tayo naman.’
“Kasi hinayaan ko siya talagang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya, so ngayon siguro panahon na para bumuo ng pamilya,” sambit pa ng aktor.
Sa kabilang banda, si Jason ay gaganap na Emil sa Silab, ang asawa ni Cloe Barretto na magkakaroon ng relasyon kay Marco Gomez.
Mapapanood ang Silab sa Hulyo 9 sa Vivamax Middle East. Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.