Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eala nabigo sa J1 Roehampton

MATAPOS ang Wimbledon debut may tatlong araw na ang nakalipas, nakalsuhan ang pamamayagpag ni Filipina ace Alex Eala matapos ang quarterfinals upset sa J1 Roehampton.

Hindi kinaya ni 16-year-old tennister, Eala si Linda Fruhvirtova ng Czech Republic nang yumuko ito, 4-6, 1-6, sa quarterfinals round ng International Tennis Federation Juniors’ Grade A tournament na ginanap sa London noong Sabado ng umaga.

Ang nasabing event ay magsisilbing warm up ni Juniors World No. 3, Eala sa pagpalo nito sa Wimbledon 2021 sa Lunes.

Si Fruhvirtova ang Juniors World No. 14.

Bago napatalsik sa torneo, kinalos muna ni Eala si Mara Guth, 6-4, 6-2 ng Germany sa third round.

Samantala, second-seeded sa Wimbledon, pakay ni Eala na hatawin ang third Grand Slam title kung sasalihan nito ang Singles at Doubles ng grass courts tournament.

Nakaraang buwan lamang ay mainit sa hatawan si Eala kaya naman inaasahang maipagpapatuloy niya ang magandang laro nito ngayong buwan.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …