SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
“IBA siya, malalim siya. Para siyang hindi baguhan sa pag-arte.” Ito ang tinuran ni Direk Joel Lamangan sa bida ng kanyang pelikulang Silab, ang baguhang si Cloe Barreto na handog ng 3:16 Media Networks at ire-release ng Viva Films sa July 9 na mapapanood sa VivaMax.
Sa digital media con, grabe ang papuri ni Direk Joel kay Cloe gayundin sa isang leading man nitong si Marco Gomez. Wala kasing naging problema ang director sa dalawa nang hilingin niyang gawin ang ilang maseselang eksena.
Kaya naman nasabi ni Direk Joel na, ”Iba siya, malalim siya. Para siyang hindi baguhan sa pag-arte. Mahusay ‘yung bata. Kapag nabigyan pa siya ng maraming pelikula siguradong marami pa siyang ipakikita.”
Hindi rin nahirapan si Direk Joel sa mga sex scenes ni Cloe kay Jason Abalos.
“Wala siyang kaarte-arte sa ipinagagawa ko. ‘Yung mga inhibition niya kinalimutan niyang lahat kaya napakadali niyang katrabaho. Para siyang si Jaclyn Jose noong nagsisimula pa lang siya sa ‘Private Show,’” giit ng premyadong direktor.
Sinabi pa ni Direk Joel na hindi siya nagdalawang-isip na idirehe ang mga baguhang sina Cloe at Marco dahil kailangan ng industriya ng mga bagong mukha.
“Kailangan natin ng mga bagong mukha, bagong artista, mga promising actor kasi kung hindi natin sila bibigyan ng chance, eh, mamamatay ang industriya natin.
“Karamihan sa mga artista natin ay matatanda na, kailangan natin ng bago, pero ‘yung mga baguhang promising at nakaaarte.”
Ang Silab ay mula sa panulat ng multi-awarded scriptwriter na si Raquel Villavicencio. Kasama rin sa Silab sina Lotlot de Leon, Jim Pebengco, at Chanda Romero. Mapapanood na ito simula July 9 via streaming. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. Mayrooon pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax para mapanood nang paulit-ulit ang Silab gayundin ang ibang pelikula ni Lamangan, tulad ng Warat, Ang Huling Birhen sa Lupa, Bulaklak ng Maynila, Hindi Tayo Pwede at iba pa.