Saturday , November 16 2024
arrest prison

2 wanted persons, nadakip sa Malabon

DALAWANG wanted person, kabilang ang isang 17-anyos binatilyo ang naaresto ng pulisya sa isinagawang magka­hiwalay na joint manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat  ni P/SMSgt. Addrich Reagan De Leon kay Malabon police deputy chief P/Lt. Col. Aldrin Thompson, dakong 11:15 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa ilalim ng pangangasiwa ni P/CMSgt. Gilbert Bansil, kasama ang 4th MFC, RMFB-NCRPO ng joint manhunt operation kontra most wanted person sa Arwana St., Brgy. Longos.

Ang 17-anyos binatilyo, may kasong attempted murder ay inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Abigail Santos Domingo-Laylo, Presiding Judge Family Court Branch 4, Malabon City.

Dakong 9:00 pm nang magsawa muli ang pulisya ng joint manhunt operation laban sa iba pang wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto kay Romar Hernandez, 31 anyos, sa kahabaan ng C4 Road, Brgy. Longos.

Dinakip si Hernadez sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 73, Malabon City para sa kasong Attempted Rape na may petsang June 28, 2021.

 (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *