SA Gomez homefront naman, masasabing solid as a rock din ang relasyon ng mag-asawang Congresswoman Lucy Torres at Mayor Richard (Goma) Gomez na biniyayaan ng isang kay ganda at talinong dalagang si Juliana.
Nakipagkuwentuhan din over lunch (Palm Grill) ang mag-asawa sa ilang na-miss nilang mga barkada rin ng namayapang Tito Douglas (Quijano) nila.
Sumentro nga ang mga tanong sa dalagang si Juliana. Kung ano ba ang susundang daan nito sa mga minana samga magulang. Politika ba. Sa sports ba (she excels now in Fencing), sa Arts.
Susuporta naman ang mag-asawa sa kung anuman ang maging karera ng dalaga.
At kung sakali mang may manliligaw na sa anak, ”basta sa bahay sila pupunta para makilala namin.
“I told her to take care of herself. Ingat ka kasi ang daming mambobola sa ‘yo. You must learn to differentiate!” say ng ama.
May Miggy Bautista na sinasabing napapalapit na sa puso ng dalaga. Humagalpak lang ng tawa si Goma nang tanungin kung bolero ba ito.
Naaaliw naman si Lucy sa tuwi silang dadalo sa kasalan ni Goma. Sa mga sandaling ‘yun daw niya napaiiyak ito.
“When we attend weddings, ‘pag father and daughter dance na, I whisper to him, ‘Can you imagine si Juliana ‘yan?’ Hala, tutulo na ang luha n’yan! And then he will look up to heaven and say, ‘God, no not yet!’”
Sa kabila ng kaabalahan nilang mag-asawa sa kani-kanilang tungkulin bilang mga public servant, hindi nawawala ang kahalagahan ng bonding moments nila bilang pamilya.
Saad nga nila, sa sandaling matapos na ang pandemya, bakasyon grande ang gagawin nila sa paborito nilang bansa, ang Japan!
Aarte at aarte pa rin naman si Goma basta may magandang proyekto.
Nang may nagsabing siya ang TOTGA (the one that got away) na sinasabi ni Sharon Cuneta, tumawa lang nang tumawa ang aktor.
Wala namang selos na makikita kay Lucy kahit pa may mga kissing scenes siyang mapanood kay Goma.
Maganda naman ang rason kasi nito lagi kay misis. Dahil pag-uwi niya ng bahay, hindi lang once, twice or thrice ang halik na matatanggap nito mula sa kanya. Alam niyo na!
Na-miss ng mag-asawa ang showbiz. Kaya sisikapin nilang mas mapadalas pa ang tsikahan sa press.
Sa usapang politika, sa mga haka-haka sa mga magaganap sa kanila sa 2022 ay ayaw na muna nilang pangunahan.
Gaya ng lagi nilang paniwala, Panginoon ang magtatakda.
Dagdag nga ni Lucy, ”We just honor the work that we do now for our people. Whatever we do now has nothing to do with the elections.
“Hindi siya plano or grand dream. Nothing that I have now was pre-planned, kusa lang nangyari. I just flow wherever the waters take you. And just be open to possibilities but not be driven purely by ambition.”