Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyong Jom at Abby mauwi kaya sa kasalan?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

SOLID as a rock!” ang tinuran ni Abby Viduya na kikilalanin pa rin sa screen name na Priscilla Almeda sa tsikahan niya with Lolit SolisCristy Fermin and Mr. Fu isang hapon, sa tanong tungkol sa relasyon nila ng aktor na si Jomari Yllana.

Nagulat din ang trio sa mga tinuran ni Abby, na makasasama sa cast ng  Lolong ng GMA-7 very soon!

Buong akala kasi ng marami eh married sa kanyang ex si Abby. Si Jom naman eh, malaya na rin dahil annulled na ang kasal nila ng dakilang ina ni Andre na si Aiko Melendez.

Kaya kapwa na sila malaya. Pero wala pa naman silang planong pakasal.

Ang ikinasasaya ng tatlo ay ang katotohanan sa kasabihang sa hinaba-haba ng prusisyon, sila pa rin pala sa hangganan.

Hindi na sinasagot ni Abby ang mga isyung ipinupukol ng ex-girlfriend ni Jom, na may dalawa pa itong supling.

Ang tinuran lang nito sa pag-uusisa ng tatlo ay, ”Una siyang naging akin,” na talaga namang nagpasaya sa hosts.

Madalas ng nagtutungo sa Bicol si Abby at pamilya ni Jom na may heritage house sila sa CamSur. Kung doon na mamamalagi si Anjo at pamilya nito gaya ng mga usap-usapan ay hindi pa kinompirma ni Abby.

Aliw na aliw si Abby sa blind items shared by the trio na pinapangalanan naman agad ni Manay Lolit!

Siya naman, eh hindi na kailangan pang i-blind item dahil wala naman na siyang dapat pang itago.

May constant communication siya sa mga anak niyang nasa Canada. Hindi pa nga lang makadalaw ang mga ito sa kanya dahil bukod sa pandemya ay iba nga ang batas sa nasabing bansa para makasama niya ang mga bata.

“Kung maaayos na ang takbo natin, we might visit them there. Kami na ni Jom ang dadalaw sa kanila!”

Kung ano-ano pa rin ang gustong isipin ni Manay Lolit sa sinasabing “solid as a ROCK!”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …